---------
***Sandy's POV***
-
Napapitlag ako nang narinig ko ang pagtunog ng door buzzer, tanda na may tao sa labas. I was in dining, cooking a carbonara para sa dinner ko. Medyo nagmamadali nga ako. It's already 8 at wala pa rin akong kain. Nakatulog kasi ako, dahil sa presko at malamig na hangin kaya napasarap ang tulog ko at madilim na nang nagising ako. Hindi nga ako nakabalik sa beach resort ni Clinton dahil sa hindi ako nagising ng maaga. Babalik nalang ako doon bukas ng umaga. Perma lang naman n'ya ang kailangan ko.
Narinig ko muli ang pagtunog ng door buzzer kaya mabilis akong humakbang para buksan ang pinto. Teka, sino nga ba itong bisita ko? Dito sa isla, sa ganitong oras, tulog na ang halos lahat ng tao. Kaya impossible na talaga ang magkaroon ng bisita sa ganitong oras. Pero naisip ko din naman na baka si Aling Lauring ito, ang pamilya nito ang katiwala namin dito sa isla. Ang nag- aalaga ng mga naiwan properties ng pamilya ko dito. Baka may kukunin ito sa loob.
Sa isipin ito, agad kong binuksan ang pinto. Pero bigla akong napaurong nang nakita ko kung sino ang bisita ko. Tulad ko ay napaurong din sya. Hindi ko mapigilan ang titigan s'ya. Mukhang mas lalong naging tan ang balat n'ya, pero mas lalo naman lumaki ang katawan n'ya. Maliwanag naman kaya malinaw ko syang napagmamasdan. Dahil siguro ito sa mga mabibigat na trabaho n'ya dito sa isla. He aged well too. He is now 34 years old, but he become more gorgeous as aging.
Hinagod naman n'ya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, saka pataas na naman at tumigil ang kanyang mga mata sa dibdib na bahagi ko. Nakaramdam ako ng hiya nang napagtanto ko kung ano ang suot ko. Isang maikling short at isang manipis na spaghetti strap at wala akong suot na bra.
"Clinton----" agad kong sambit sa pangalan n'ya para mabaling ang mga mata n'ya sa mukha ko at wag sa dibdib ko. Pakiramdam ko nakikita nya ang n*pple ko. Nang nabaling ang mga mata n'ya sa mukha ko, pasimple kong tinakip ang braso ko sa dibdib na bahagi ko. It'a not right na makita n'ya ako sa ganitong ayos, hindi na kami mag- asawa kaya nakakahiya na. Iba noon at iba na ngayon. "What brought you here?" ngumiti pa ako. Tulad ng sabi ko, hindi naman ako galit sa kanya. Medyo kinakabahan lang ako sa pagkikita namin muli pero kaya ko naman e- handle.
"Nalaman ko kay Tita Mercedes na bumalik ka na. Hindi na ako makapaghihintay na makita ka muli kaya pinuntahan kita dito."
Hindi ko binigyan ng malalim na kahulugan ang sinabi n'ya. Gusto ko nga din s'yang makita dahil sa gusto ko nang matapos ang annulment namin. At alam kong pareho ang nasa isip naming dalawa.
Walang alam si Kaiser tungkol dito at wala akong plano na ipaalam ito sa nobyo ko. Perma lang naman ni Clinton ang kailangan ko at gamit ang impluwensya ng pamilya ko, madali lang mapawalang- bisa ang kasal naming dalawa.
"Gusto nga din kitang makita eh!"
"Really?" tila tuwang- tuwa naman ito. Sa isip siguro nito ay sa wakas tuluyan na rin mapuputol ang tali na nag- uugnay sa aming dalawa.
"Yes. Babalik sana ako kanina sa beach resort mo pero nakatulog ako. Anyway, pumasok ka muna."
Humakbang naman siya papasok, agad ko naman isinara ang pinto. Umupo s'ya sa sofa sa may sala. Nagpaalam ako sandali sa kanya, pumanhik muna ako sa itaas. Pumunta ako sa inakupa kong kwarto. Nagsuot ako ng bra kasi nakakahiya na nga kay Clinton na makita akong walang bra. Kinuha ko din ang annulment paper naming dalawa.
Agad ko naman binalikan si Clinton pero kunot- noo ako nang hindi ko na s'ya naabutan sa may sala. Nakarinig ako nang kaluskos sa may kusina kaya napagpasyahan kong pumunta dito. Naabutan ko si Clinton na ipinagpatuloy ang pagluluto ko. Nakalimutan ko na may iniluto pala ako.
Napalingon naman s'ya sa akin nang naramdaman siguro n'ya ang presensya ko.
"Thank you, Clinton, pero ako na ang magpapatuloy dyan. Medyo nawala lang yan sa isip ko kanina."
Pinilit kong maging kalmado kahit pa napaka- awkward ng pakiramdam ko ngayon.
"It's already 8:30 pm, ngayon ka pa lang kakain ng dinner mo?" aniya sa nag- alala ng tinig. He saw me as a little sister kaya natural lang na mag- alala s'ya sa akin.
"It's okay Clinton, sanay na ako. Magkaiba ang oras ng Pilipinas at Australia. At saka madalas din akong kumakain na late doon."
"So, nandun ka sa Australia? Ayaw sabihin ng mga magulang mo kung saan ka pumunta. Sinubukan kong alamin kung nasaan ka pero hindi ko kayang lampasan ang kayang gawin ng pamilya mo. They hide you from me at siniguro nila na hindi kita matatagpuan."
"I ask them not to tell you Clinton. At kung hindi mo man ako natagpuan, iyon ay dahil sa kagustuhan ko."
Kaya siguro nya ako hinahanap dahil sa naiwala nya ang annulment paper namin. Hindi ko naman alam na nawala pala iyon. Sana sinabi nalang n'ya sa mga magulang ko nang nakagawa ng bago at nakaperma ako. Madali naman makapunta ang mga magulang ko sa Australia gamit ang private plane ng mga Montreal.
I still remain calm.
"Bakit?" he asked, while looking at my eyes.
"You know the reason, Clinton. I don't need to tell it to you."
Alam n'ya. Alam n'yang masyado akong nasaktan at ang gusto ko lang ay ang makapag- move on.
Madiin s'yang tumitig sa akin. Umaalipin sa aming dalawa ang katahimikan pero ako na rin ang bumasag nito.
"Anyway--- Kuya Clinton, I am here to----"
"What did you call me?"
"Kuya Clinton. Diba, iyan naman ang tawag naming dalawa ni Lenlen sayo?"
"Is that how you going to address your husband, Sandy?"
"Well--" humakbang ako palapit sa kanya. Pero tumigil din ako nang halos isang metro nalang ang pagitan naming dalawa. "-- sa ngayon, asawa pa kita pero after you sign this, magiging brother na kita muli kaya sinanay ko lang muli ang sarili ko."
Inilagay ko sa mesa ang annulment paper naming dalawa.
"Ano yan?" kunot- noo siya.
"Annulment paper nating dalawa. Napag- alaman ko kasi na hindi pala natuloy ang annulment nating dalawa noon. Nasabi na rin sa akin ni Maureen ang rason, naiwala mo pala ito. Bakit hindi mo man lang sinabi sa mga magu----"
"Wait-- naiwala ko?"
"Well, iyan ang sabi ni Maureen sa akin."
"Pero hindi-----"
"Anyway, congratulation nga pala, dalawa na pala ang anak nyo." Congratulation din dahil may isang anak ka sa akin.--- sa isip ko lang 'to.
"Ano? Pero Sandy, hin-----"
"Saved it Clinton. It's okay, I understand. Nakapag- move on na ako at masaya na ako ngayon. In fact, ikakasal na rin ako."
Napaawang ang labi n'ya sa sinabi ko. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nakikita kong emosyon sa mga mata n'ya.
"Yan ang rason ko kung bakit ako nandito, Clinton. Gusto kong permahan mo ang annulment paper natin dahil ikakasal na ako."
Hindi siya nagsasalita, napatingin ang mga mata n'ya sa daliri ko at alam kong nakita n'ya ang engagement ring na ibinigay ni Kaiser sa akin.
Ewan ko pero talagang nakakita ako ng lungkot sa mga mata n'ya nang napatingin s'ya sa akin.
"Pinalitan mo nang mas mahal, nang mas maganda ang singsing na ibinigay ko sayo." Napanganga ako, hindi ko napaghandaan ang sasabihin n'ya. " I wish I give you better. But what can I do, hindi ako kasing yaman ng nagbigay sayo ng singsing na yan."
Hinamig ko ang sarili ko. Hindi ako dapat magpaapekto sa mga sinasabi nya.
"Sabi nila 'It's not about the quantity, it's about the quality', katulad lang din sa singsing na ibinigay mo at ni Kaiser sa akin. Hindi naman ito tungkol sa presyo ng singsing, it's about the value of it na hindi pera ang pinag- uusapan. It's about the meaning and the sincerity kung bakit nyo ako binigyan ng singsing. Kaiser loves me Clinton, bukal sa loob n'ya ang pagbibigay sa akin ng singsing na simbolo sa kung gaano nya ako kamahal, kaya mas may value sa akin ang singsing na ibinigay n'ya kaysa sa singsing na ibinigay mo sa akin. At alam mong kung bakit mas mahalaga sa akin ang singsing ni Kaiser?"
Hindi ko na siguro kailangan ipaliwanag pa sa kanya. Hindi ko na siguro kailangan pang sabihin sa kanya na hindi naman talaga nya ako mahal. Na napipilitan lang naman siya na bigyan ako ng singsing dahil sa asawa n'ya ako.
Hindi na naman siya nagsasalita, nakatitig lang s'ya sa akin.
Saka isang buntong- hininga ang pinakawalan n'ya.
"Are you happy, Sandy? Are you happy with your decision of leaving me?"
I don't know why he ask this. Pagkatapos nyang piliin si Maureen at ang anak niya dito, ano ba ang ini- expect n'ya? Ini- expect ba nya na mananatili pa rin ako kahit pa nakapili na siya?
"Leaving you is the best decision that I made in my life. 'Cause that's the only time that I discovered happiness I never thought existing." ani ko habang sa mga mata nya ako nakatingin.
Totoo ito. Ang tinutukoy kong happiness ay yong may isang taong magmamahal sa akin ng sobra at mamahalin ko naman ito. Ang tinutukoy ko ay si Kaiser. Ang pagmamahal ni Kaiser ay ang happiness na tinutukoy ko.
Nanatili akong nakatitig sa kanya at hindi nakatakas sa akin ang lungkot na lumatay sa mga mata n'ya.