Prologue 2!

1758 Words
------ ***Sandy's POV*** - Napangiti ako habang nakatingin sa resulta ng check- up ko. Halos magdalawang buwan na akong delay, at tama nga ako sa hinala ko na buntis ako. Kaya hindi ko na mahintay ang muling pagbisita ni Clinton sa akin, excited na akong sabihin sa kanya na magkakaanak na kaming dalawa. Pinuntahan ko siya sa Isla Noval kung saan s'ya nanalagi. Kahit mag- asawa kaming dalawa, hindi kami magkasama sa iisang bubong. Every weekend lang n'ya ako binibisita sa Manila. Sa isla Noval s'ya lumaki at nasa isla ang buhay n'ya habang kailangan ko naman manatili sa Manila dahil sa nag- aaral pa ako. I am 19 years old while my husband is already 29 years old. Sampung taon ang tanda ni Clinton sa akin. Sa wakas, nakarating na rin ako sa isla Noval, walang kaalam- alam si Clinton na pupuntahan ko s'ya ngayon dito. Ano kaya ang maging reaksyon n'ya? Gamit ang isang chopper plane ng pamilya ko ay nakarating ako sa Isla at kailangan ko pang sumakay ng tricycle para makarating sa beach resort na pagmamay- ari ni Clinton dito. Isang simpleng tao lamang si Clinton, hindi s'ya galing sa mayaman pamilya pero mahal na mahal ko s'ya. At nagsusumikap s'ya para marating n'ya kung ano man narating n'ya ngayon. "Buenavista's Beach Resort." ani ko sa tricycle driver na nasakyan ko. "Kilala kita maam. Diba, ikaw ang anak na babae nina maam Akeelah at sir Saven?" tanong ng tricycle driver sa akin. Dito sa isla lumaki ang mommy ko kaya nakilala na rin dito ang mga magulang ko at may bahay- bakasyunan kami dito. "Oo." ani ko sabay tango. "Si Lenlen ba ang pupuntahan mo sa resort o ang kuya nito na si Clinton?" Nasa Manila si Lenlen, nag- aaral ito doon. "Kung si Clinton ang pupuntahan mo, hindi mo s'ya maaabutan doon. Lumuwas sa malapit na kabihasnan, dinala kasi n'ya ang girlfriend n'ya doon. Manganganak na yata." ani nito. Napaawang ang labi ko sa narinig. "Manganganak? Anong ibig mong sabihin manganganak?" kinakabahan ako bigla sa narinig ko. "Si Maureen, ang girlfriend nya ay manganganak na. Hindi natuloy ang kasal nilang dalawa noon sa kadahilanan na hindi namin alam pero patuloy pa rin naman ang relasyon nilang dalawa hanggang sa nabuntis nga si Maureen at ngayon, manganganak na nga ito." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa narinig. Kailangan kong makausap si Clinton. Kailangan kong marinig mula sa kanya ang katotohanan tungkol sa sinabi ng tricycle driver sa akin. Pero kahit hindi ko pa man narinig ang katotohanan mula sa labi ni Clinton, naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Totoo man o hindi ang sinabi ng tricycle driver na manganganak na si Maureen sa anak nito sa asawa ko. Pero ang katotohanan na nagpatuloy pa rin ang relasyon ng dalawa sa mata ng mga taga dito sa isla ay isa pa rin pagtataksil sa akin. Hindi ba ipinaalam ni Clinton sa mga taga dito na ikinasal na s'ya sa akin? Kaya akala pa rin ng mga taga dito sa Isla na girlfriend pa rin n'ya si Maureen? ---------- "I'm sorry Sandy." Ang sinabi ni Clinton sa akin nang komprontahin ko s'ya tungkol sa nalaman ko. Hindi n'ya tahasan inamin sa akin ang katotohanan tungkol sa pagtataksil n'ya sa kasal naming dalawa. Pero parang sinasabi na ng simpleng salita na ito ang lahat. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatulo na ng tuluyan ang luha ko. Ang sakit! Namimigat ang dibdib ko sa sobrang sakit na naramdaman ko sa sandaling ito. Gusto kong magsalita pero nahihirapan ako, tila naumid ang dila ko kaya napahagulhol nalang ako sa pag- iyak. Kailangan kong umiyak baka sakaling mabawasan ang pamimigat ng dibdib ko. "Pero bakit? Bakit Clinton?" Sa wakas nagawa ko na rin s'yang tanungin. Buong akala ko na maayos ang pagsasama naming dalawa. Hindi man n'ya nais na pakasalan ako pero hindi naman s'ya naging malupit sa akin. Kailanman, hindi ko naisip na magawa n'ya akong pagtaksilan dahil kilala ko s'ya. Kilala ko na s'ya simula pa nung mga bata kaming dalawa. Hindi n'ya kayang manakit lalo na sa akin. "I tried. I tried so hard, Sandy. Pero hindi ko kayang dayain ang puso ko. Mahal ko si Maureen, hindi ko kayang kalimutan ang damdamin ko sa kanya. Nadala ako sa tukso." "Sana. Sana hindi mo nalang ako pinaasa, Clinton. Umasa ako na mahal mo na rin ako nung nagsimula ka nang angkinin ako. Pero ilusyon lang pala ang lahat ng iyon. Sarili ko lang ang pinaniwala ko. Ang tanga ko, pinaniwala ko ang sarili ko. Ang tanga tanga ko!" naiiyak kong sabi. Hindi s'ya nagsalita agad. Nakatitig lang s'ya sa akin. Wala akong kahit anong emosyon na nakikita sa mga mata n'ya kundi guilt. Alam ko naman na hindi n'ya sinasadya na saktan ako pero nagawa n'ya pa rin akong saktan. "Sandy please, just let me go." aniya kalaunan, nakikiusap ang titig n'ya sa akin. "You're a nice woman, you're beautiful. You don't deserve me. You deserve someone who can love you the way that you want. Mahal kita pero hindi sa klase ng pagmamahal na gusto mo sa akin. Ayaw na kitang saktan Sandy." "Pero-- pero, ikaw ang gusto ko Clinton. Wala akong ibang nagugustuhan kundi ikaw lang. Please, nakikiusap ako, wag mo akong iwan. Kaya kong tanggapin ang anak nyong dalawa ni Maureen, ako lang ang piliin mo." Dahil sa desperada ako sa pagmamahal ko sa kanya kaya akmang luluhod pa ako sa harapan n'ya pero maagap n'yang nahawakan ang braso ko. Kaya hindi ko natuloy ang plano kong gawin. "Maureen needs me. Kailangan nila ako ng anak ko, Sandy. Please, nakikiusap ako. Wag mong gawin ito sa sarili mo. I am just nothing compared to you. You don't need to lower yourself para lang sa akin. I'm sorry but I chose them." Bumitaw si Clinton sa akin. At wala akong nagawa kundi ang sundan lang s'ya ng tingin habang papalayo s'ya mula sa akin. Puno ng luha ang aking mga mata. Habang nakasunod ako ng tingin kay Clinton, pakiramdam ko, parang sinasaksak ang puso ko ng paulit- ulit. Alam ko kasi na hindi na s'ya akin. Alam ko kasi na kailangan ko na s'yang pakawalan kahit masakit. Ito ang dapat kong gawin, dahil alam kong mas magiging masaya s'ya sa piling ni Maureen at ng anak nila. Alam kong mas gusto n'yang bumuo ng pamilya kasama si Maureen kaysa sa akin. Nanghihina ako. Nahihilo ako, kaya napaupo ako sa may sofa. Kinalma ko ang sarili ko, para kasi akong nahihirapan sa paghinga. Nagawa ko naman ito. Nang medyo kalmado na ako, pinunasan ko ang luha ko. Napahaplos ako sa tiyan ko. Kailan man hindi ko inisip na magkaroon ako ng anak na walang ama pero anong magagawa ko? Hindi ko pwedeng gamitin kay Clinton ang batang nasa sinapupunan ko para ako lang ako ang piliin n'ya ako. Pinili na n'ya si Maureen kaysa sa akin. Ang pamilya pinangarap ko kasama s'ya ay kailanman, hindi na matutupad sapagkat sa iba na s'ya magkakaroon ng sariling pamilya. Napakasakit! Para akong tinu- torture sa sobrang sakit. Nang naalala ko ang ipinagbubuntis ko kanina, napagtanto ko na hindi ko dapat ipinagpilitan ang sarili ko sa kanya, kahit pa kailangan ko din s'ya. Magkakaanak na rin kami kaya kailangan ko din s'ya. Pero magiging miserable lang ang buhay n'ya sa akin kaya kailangan ko na s'yang pakawalan. --------- "Sinasabi ko naman sayo, darating din ng araw na karmahin ka Sandy. Ngayon na ang araw na ito. Sinabi ko naman sayo na hindi ka magtatagumpay na maagaw si Clinton mula sa akin kahit pa ikinasal na kayong dalawa. Dahil ako-- ako ang nagmamay- ari sa puso n'ya at hindi mo ito maaagaw mula sa akin." ani ni Maureen sa akin, bigla nalang s'yang humarang sa akin. Paalis na sana ako sa isla pero bago pa man ako tuluyan nakaalis sa resort, nakasalubong ko si Maureen, nakalabas na pala ito sa hospital. "Please Maureen, gusto ko lang ng katahimikan. Naagaw mo na s'ya mula sa akin, hindi ka dapat humarang pa sa daraanan ko na parang ikaw yong nasaktan sa nangyayari." "Masakit? Alam mo bang tuwang- tuwa ako dahil sa nasaktan ka. Ngayon, patas na tayong dalawa. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin nung bigla nalang kinansel ni Clinton ang kasal namin para pakasalan ka? Parang gumuho ang mundo ko sa ginawa n'ya sa akin. Alam kong ako ang mahal n'ya pero ikaw ang pinakasalan n'ya dahil sa utang na loob. Ngayon, naramdaman mo na ang sakit sa ginawa mo sa akin. You deserved what happened to you. Dahil sa makasarili ka. Buong akala mo kaya mong makuha ang kahit anong gustuhin mo dahil mayaman ka. Well-- sasabihin ko sayo, Sandy. Hindi mo makukuha ang pinakanais mo sa lahat na si Clinton dahil akin s'ya. At hindi ko s'ya inagaw sayo, binawi ko lang s'ya." I am guilty naman sa ginawa ko sa kanila ni Clinton noon kaya itinama ko na ito ngayon. Hindi na nya ako kailangang awayin pa. Panalo na s'ya. "Okay tita Maureen." ani ko sa kanya. "Ano? Anong tawag mo sa akin?" "Tita Maureen, I need to be respectful to you. Diba, you are two years older than Clinton? 10 years ang age gap naming dalawa ni Clinton. Hindi mo lang ba naisip na kung 12 years old ka ngayon, para ka lang nakipag- away sa kakasilang pa lang." "W- What?" nanlaki ang mga mata n'ya. "I'm sorry for your pain, pero nasa sayo na s'ya ngayon. Hindi mo na ako kailangan harangin pa para awayin lang, ikaw na nga ang pinili, diba? Hindi pa ako kasing mature mo, I'm still on the process of knowing myself more, maraming beses pa akong pwedeng magkamali, magkaroon ng mga maling desisyon na hindi man lamang inisip ang maging consequences. Kaya inaamin ko na nagkamali ako na pinilit ko si Clinton na pakasalan ako, kaya nga itinama ko na ito ngayon. Maniwala ka, hangad ko ang kasiyahan nyong dalawa." I was sincere of the words I said kahit pa parang gusto ko na naman maiyak. Napanganga s'ya. Sinamantala ko ito at nilampasan ko s'ya para makaalis na ako. "Talagang magiging masaya kami kasi mahal namin ang isa't- isa. Hindi katulad sa inyo na maging miserable lang ang buhay n'ya." narinig ko pang sigaw n'ya sa akin. Ayaw ko man masaktan sa sinabi n'ya pero hindi ko mapigilan, talagang nasasaktan ako. Kaya napatulo na ng tuluyan ang luha ko. Goodbye Clinton! Sa susunod natin pagkikita-- ipinangako ko, may mahal na akong iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD