---------- ***Sandy's POV*** - "Mistress---- Mistress of the house." bawi ko sa sinabi ko kanina, ngumiti pa ako para maibsan ang kabang naramdaman ko, para na rin maitago ang totoo, at isipin nila na nagbibiro lang ako. "Hay, akala ko kung anong mistress na." si Joel. "Ikaw kasi Phoebe, wag ka ngang hawak na hawak dyan kay papa Clinton. Pag awayin yan ng asawa, kasalanan mo talaga." "Oo na." si Phoebe, at inalis ang mga kamay na nakapulupot kay Clinton. "She's not my wife." ang sinabi ni Clinton saka ito humakbang palapit sa bangkero at tumulong dito. "Hindi naman pala nya asawa." si Phoebe. "Sandy, bakit mo nga pala nasabi na mistress iyon ng kuya Clinton mo?" si Steph na kuryoso, nakayakap na naman ito sa boyfriend nito. Ang sweet ng dalawang ito. Sana all! Napa- isip ako. Paa

