Micheal's POV Kahit isang linggo na ang nakalipas nung may nangyari sa amin ni Eunice hindi talaga mapawi ang ngiti ko dahil sa saya. Dahil na ibigay na sa akin ni Eunice ang sarili niya may dahilan na ako para yayain siyang magpakasal. Excited na ako. Pagdating ko sa bahay nawala ang ngiti ko nung nakita ko sina dad at mom kasama si lolo. Nandito din ang pamilya Lee at ang bunsong anak nilang si Veronica. Oo kilala ko sila kasi business partner namin sila. Tsaka bestfriend ni Eunice si Veronica. "Nandito ka na pala apo maupo ka" sabi ni lolo. Umupo naman ako sa tabi ni mom. "Okey kaya kayo nandito dahil sa importanteng anunsyo pero bago yun kailangan niyo munang marinig ito. Matalik na magkaibigan kami ni Enrique, lolo ni Veronica dahil sa sobrang close namin kapatid na ang turing na

