WALANG imikan habang nasa byahe pauwi sa bahay. Magtatanghali palang kaya walang traffic pauwi sa kanila. Mukhang napansin 'yon ng tatlo kaya sabay-sabay silang tumikhim. "Bakit ang tahimik mo, Miss?" "Hmm?" napalingon ako kay Tristan na s'yang nagmamaneho. "Bakit ang tahimik mo?" tanong niya muli. "Ahh.. may iniisip lang ako.." sagot ko. "Yung kanina ba sa school?" "O-Oo.." sagot ko. Liar. Nawala pangamba ko sa nangyari kanina, napalitan 'yon ng pangamba ko sa nararamdaman nila sa'kin. Hanggang kailan nalang ang ganitong set-up naming apat? Di ba sinabi na nila na ikaw ang The One nila? sabi ng munting tinig sa utak ko. Baka sinabi lang nila 'yon para makuha nila loob ko lang.. "Don't worry about it. May inutusan na kami na hanapin ang gumawa no'n, okay?" aniya kaya napatan

