NAKALIPAT na sa private room si Dj, tulog pa din siya. "Ito.." abot ko kay Matthew ng pagkain na binili ng triplets sa fast food para sakanila. Ako sana ang manlilibre sa kanila kaso tinanggihan nila. Pangit daw tignan na ang babae ang gumagastos sa kanilang tatlo lalo na at nasa public place pa daw kami. Pinipilit ko nga kaso tatlo sila kaya hindi na ako nakapalag. Habang kumakain naman kami ay hindi ako maka-focus sa kinakain dahil sa hagikgikan na naririnig ko sa paligid dahil sa tatlong lalaking kasama ko na walang pake alam sa mga tao sa paligid na pinagtitinginan na sila. "Ilapag mo muna si Isivan sa sofa.." sabi ko sakanya dahil buhat pa din niya ang bunso naming kapatid kahit tulog na tulog na. "Okay, Ate.." aniya at sinunod ang inutos ko. "Riley, sa canteen nalang kami kakai

