Chapter Five

2300 Words
Hindi na uli dumalaw ang mga fafa!" Mhia said, "Dalawang linggo na." Nagsulat lang ako sa pinapagawa nang prof namin sa'min. Nasa gilid kami ng field kung saan nakapwesto ang mga upuan at lamesang bato. Wala ang prof namin pero may iniwan siyang gawain. Dalawang linggo na nga nang huli kong makita ang triplets na 'yun. Simula kasi nung araw na hinatid nila ako ay hindi ko sila nakita maging sa bar nung pumasok ako ng gabing iyon at hindi na din sila pumupunta dito sa school. "Kala ko pa naman may kasoulmate ka na dun sa tatlo kasi 'diba? Hinatid ka nila." Naiiling pang sabi ni'to at itinuon na ang pansin sa kanyang cellphone at nagpipipindot na doon. "Mayaman 'yung mga 'yun kaya malamang ay busy iyon.." sabi ko sakanya habang nagsusulat. Yung calling card na binigay nila sa'kin ay itinago ko. Hindi ko alam kung para saan iyon kung bakit binigay nila ang number nila sa'kin. Naghintay din ako nang text nila pero walang dumating. "Nagkita lang kami kahapon pero miss na nila agad ako? tsk.. tsk.." bulong-bulong ni Mhia habang may tinatype sakanyang cellphone. 2 weeks na din na laging busy si Mhia sa kanyang cellphone. Tinanong ko kung sino ba 'yung Jb at Mb na katext niya. Nagulat ako nang sinabi niya na "f**k buddies" daw niya ang mga iyon at mas lalo akong nagulantang nang sinabi niyang threesome ang kanilang ginagawa. "Sila pa din ba mga katext mo?" Tanong ko sakanya. "Kasex kamo," she giggled, "And yes.. Eto nga't gusto nila uli! kakatapos lang namin kahapon." nakangiti niyang sabi. Umiling nalang ako. Pervert si Mhia at isa sa mga fantasies niya ay maka 'ano' ng dalawang lalaki nang sabay. Virgin siya bago mawala iyon sa dalawang lalaking naka One Night Stand niya na hindi na One Night iyon kasi every night na iyon. Ayon sa kanyang description sa dalawang lalaki, masyado daw malabot pero matigas na hindi ko magets kung ano iyon. Nagpatuloy nalang uli kami sa pagsusulat dalawa. Last subject namin ito at after nito ay lunch break na. Balak ko sana umuwi dahil napangakuan ko sina Dj at Isivan na magluluto ako ng paborito nilang ulam which is menudo. Tinext ko si Matthew at sinabi kong nasa gilid kami ng feild. Tapos na kasi ang klase niya. "Hi, Matthew!" Bati ni Mhia sa kakadating lang na kapatid ko. "Hi, Ate Jamiya!" Nakangising bati ni Matthew kay Mhia at binanggit pa nito ang real name niya. Umupo si Matthew sa tabi ko at hinalikan ang buhok ko. Nilingon ko siya, "Musta pag-aaral?" tanong ko sakanya. "Okay naman." Pagkikibit balikat niya. Minsan siyang ganyan. Ayaw niya talaga tinatanong kung kamusta ang pag-aaral niya dahil alam naman daw namin kung ano ang sagot. Ayos at lagi siyang nakakaperfect score sa lahat ng gawain sa kanyang mga subject. "Dapat hindi mo binabanggit 'yang real name ko kasi close naman tayo eh, Sebastian." bumungisngis si Mhia nang banggitin din niya ang first name naman ng kapatid ko. "Sawa na ako sa kakatawag sakin na Sebastian.. kawawa naman second name ko!" reklamo ng kapatid ko. Nagkwentuhan lang sila ni Mhia. Tapos na kasi si Mhia sa ginagawa niya kaya easy-easy nalang siya ngayon. Matapos ang kalahating oras ay natapos na ako sa ginagawa ko. 11:30 pa lang kaya may oras pa para makapag luto ako ng menudo. "Bye! See you bukas!" Kumaway na kami kay Mhia bago kami naghiwalay ng daan. Pumunta na kami sa sakayan and sa awa ng diyos ay hindi masyadong madami ang naghihintay kaya mabilis lang kami nakasakay. Pagdating sa bahay ay naabutan namin si Aling Lourdes na nagwawalis sa sala habang ang dalawa kong kapatid naman ay pinapanood siya sa kanyang ginagawa. "Ay! Aling Lourdes, ako na po d'yan!" Kukunin ko sana sakanya ang walis kaso hindi niya binigay. "Ay naku! Okay lang, ano ka ba?" nakangiti niyang sabi. "Nakakahiya naman po.." Umiling siya, "Wala sa'kin 'to.." sabi niya at tumingin sa kusina, "Nakahanda na pala ang mga kailangan mo sa pagluluto tsaka nakasaing na din ako." ngumiti siya sa'kin, "O siya.. Magluto ka na at itong bunso niyo ay gutom na ata." Tumango ako at nagpasalamat sakanya. Nilapitan ko ang dalawa kong kapatid at hinalikan sila. Pagkatapos ay dumeresto na ako sa kwarto ko para makapagpalit na at makapagluto na din. Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina kung nasaan ang mga kakailanganin kong lutuin. Si Aling Lourdes ang gumastos at bumili nang mga ito. Bibigyan ko sana siya ng pangbili pero tinanggihan niya, aniya ay sa ganoong paraan daw siya makakatulong kaya hindi na ako nagpumilit pa. Naging busy na ako sa pagluluto habang ang mga lalaki kong kapatid ay nanonood ng t.v. Maya-Maya pa ay nagpaalam na si Aling Lourdes na uuwi na siya. "Hindi na po kayo kakain dito?" Tanong ko. Umiling siya, "Hindi na, Anak.. Salamat nalang." sagot niya na nakangiti. Palangiti talaga siya kaya magaan ang loob sakanya ng mga kapitbahay namin. Umalis na si Aling Lourdes kaya naging busy na uli ako sa pagluluto. Kalahating oras din akong nagluto. Napangiti ako ng malasahan ang niluto ko, "Hmm.. Sarap!" papuri ko sa aking cooking skills. "Matthew?" tawag ko sa kapatid ko, "Maghanda ka na." "Okay—" Napahinto siya sa pagsasalita ng makarinig kami ng may tumatawag at kumakatok sa gate namin. "Tao po!" "Sino 'yun?" Tanong niya. I shrugged, "Hindi ko alam.." "Titignan ko—" Pinigilan ko si Matthew. "Ako na. Mag-ayos ka nalang ng table." sabi ko at dumeretso sa pinto. Pumunta ako sa mini balkonahe namin dahil mula dito ay makikita ko kung sino ang nasa labas ng bahay namin ganoon din ang nasa tapat ng bahay, makikita din ang nakapwesto doon. Nalaglag ang panga ko sa aking nakita.. Anong ginagawa nila dito? "Oh, Hey!" Kumaway sa dereksyon ko si Tristan at ayun nga may bandana nanaman sa kanyang noo. Nagsipag-angat nang paningin si Rafael at Nathan sa dereksyon ko. Napahawak ako sa semento para sa pag-alalay dahil sa panlalambot ng tuhod ko dahil sa paninitig nilang tatlo kahit na malayo. Masyadong maiinit. Bumaba ako at nagpunta sa kanila. Pagkabukas ng gate ay sumalubong sakin ang nakangiti nilang mukha at ang nakakaakit nilang amoy— Ano Riley?! "A-Anong ginagwa n-niyo dito?" Tanong ko sa kanila. "Uh, Visiting you." Tristan answer while scratching his nape. Napatango ako, walang maisagot sa kaniyang sinabi. Rafael cleared his throat, "And W-We want to.. talk about—" naputol ang sasabihin niya ng marinig namin ang boses ng bunso kong kapatid na tinatawag ako. "ATE! KAKAIN NA TAYO! GUTOM NA AKO!" sigaw ni Isivan. Nag-angat ako ng tingin sa balkunahe namin ay nakita ko siya doon. I'm sure nakapatong iyon sa bangko namin doon. "OO!" Sigaw ko pabalik. Humarap ako sa tatlo, it's rude naman if papaalisin ko sila 'diba? "Uhm.. Gusto n-niyo munang p-pumasok? M-Maglulunch kami baka hindi pa kayo kumakain.. s-sabay na kayo." halos manginig ang labi ko. After 2 weeks ay nakita ko sila. Pangatlong beses palang naman namin magkita pero bakit kakaiba na agad ang nararamdaman ko sakanila? Lagi akong kabado. "Sure!" sabay nilang sagot. Nilakihan ko ang pagbukas ng gate at pinapasok sila, "Akyat na kayo.." sabi ko sakanila habang nilo-lock ang gate namin. "Lady's first." Nathan said. Napanganga ako pero tumango din. Hinintay nila ako matapos sa paglolock ko sa gate. After nun ay nauna na nga akong umakyat sa hagnanan namin. Bigla akong naconcious dahil nakashorts lang ako at nasa baba ko sila— "Nice ass.." Hindi ko alam kung sino ang nagsabi pero narinig ko ang malalim nilang pagtawa na nagbigay sakin ng kilabot. Binilisan ko ang pagakyat kaya mas lalong lumakas ang paghalakhak nila. Tama bang sabihin nila yun? Nice ass? Flat nga.. gusto kong pukpukin ang ulo ko dahil sa naisip ko. "T-Tuloy kayo.." sabi ko sa kanila. Pumasok na kami sa loob kaya nagsipaglinunan naman ang mga kapatid ko at biglang nangunot ang kanilang noo. Tumilhim ako, "M-Mga kapatid ko pala.. si Sebastian Matthew.." turo ko kay Matt, Tinuro ko naman si Dj, "Si Daniel John at.." Tinuro ko ang bunso kong kapatid na nakakunot ang noo habang nakahalukipkip, "Si Isiah Evan, bunsong kapatid ko.." "Hi." sabi nang triplets. Kala ko ay hindi babati ang mga kapatid ko pero nagulat ako nang yayain nila silang kumain, "Hello.." sagot nila. "Kain tayo mga kuya.." Mahinang boses na sabi ni Dj pero rinig naming lahat. "Handa lang ako ng tatlong plato.." Matthew said. Lumapit samin si Isivan na nakakunot pa din ang noo, "Who are you? Why are you here? Are you guys courting my Ate—mmmm" sunod-sunod niyang tanong pero agad kong tinakpan ang kanyang bibig. "Ano ba 'yang tinatanong mo, Isivan!" bulong ko sakanya. Tumingin ako sa tatlong bisita namin at naaliw silang nakatingin sa'min ng kapatid ko. Nakangiti sila at halata mo ang pagkakaaliw nila sa'min. "We are your Ate's friend, Isaiah, Right?" Nginitian siya ni Tristan. Tinanggal naman ng kapatid ko ang kamay ko na nasa bibig niya at sinagot si Tristan, "Yup po, that's my name." sagot niya at nagulat ako ng inalok niya ang kanyang maliit na kamay, "You, What's your name po?" "I'm Tristan Alexander Miller but you can call me Kuya Tristan." At nakipagkamay siya. Tinitigan naman niya si Rafael at inalukan ng kamay, "Ikaw po?" Rafael chuckled, "I'm Rafael Joseph Miller but you can call me Kuya Raf." At nagkamayan din sila. Tumingin naman siya kay Nathan, "Ikaw po? Miller ka din po?" Tanong niya dito. Nanlaki ang mata ko doon. Tumawa si Nathan tsaka tumango, "Yup, I'm Nathan James Miller but you can call me Kuya Nate." at nagkipagkamayan din siya. Tinitigan sila ng kapatid ko na parang nag-iisip, "Hmm.. Magkaano-ano kayo po?" Tanong niya sakanila na parang naguguluhan. "Triplets.." sagot nilang tatlo. "Hindi po kayo magkakamukha masyado." sabi niya tsaka tinalikuran kami para umupo na sa hapagkainan. Tinignan ko silang tatlo at humingi nang paumanhin sa inasal ng kapatid ko. "Okay lang. Matured siya mag-isip and.. cute just like you." Nathan said while smiling. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Mas lumawak tuloy ang ngiti nila. "Kain na tayo.." sabi ko at nagpunta na ng kusina. Pinakilala ko sila kay Matthew at Dj na nakipagkamayan din sa kanilang tatlo. Tahimik kami habang kumakain, pwera lang sa bunso ko na nagku-kwento habang puno ang bibig. "Anong sabi ko sayo, Isivan?" Linulok niya muna ang kanyang kinakain, "Don't talk when your mouth is full.." "Eh, bakit ka nagsasalita ng puno ang bibig?" "Kinukwento ko naman kung gaano ka kasarap magluto eh." ngumuso siya at nagpatuloy sa kumain. Hinalikan ko naman ang ulo niya. Katabi ko siya at si Dj, si Matthew ang nasa gitna at kaharap naman namin ang tatlong lalaki. "Luto mo ito?" Gulat na tanong ni Tristan. "It's delicious." Puri ni Nathan. Nahihiya namang napatango ako, "Uh.. Thanks." "Hindi lang po 'yan ang kayang i-cook ni Ate ko po.." singit ni Isivan nanaman sa usapan. "Talaga?" "Opo.. Magaling si Ate.. para siyang si cooking mama." Mahinang sagot ni Dj pero nakangiti at nagpipigil ng tawa. Cooking Mama— Yung sa laro?! "Anong Cooking Mama ka dyan?!" Kunwaring naiinis ako. "Tama po sinabi ni Kuya Dj, Ate can bake too.. parang si Cooking Mama nga po talaga.." sabi ni Isivan sabay halakhak nang mga kapatid ko kaya tumawa na din ang tatlo. Tinignan ko ng masama ang mga kapatid ko, "Kaya mahirap maging only girl, eh! Lagi niyo ako pinagtutulungang tatlo!" "Love ka naman namin Ate eh!" Isivan said. "Makulit man kami, Ate, Love ka pa din namin.." Mahinang sabi ni Dj. Nilingon siya ni Isivan na nagtataka, "Hindi ka kaya makulit Kuya Dj.. Hindi ka naman nanggugulo ng gamit hindi kagaya namin ni Kuya Matthew!" "Bakit nadamay ako? Ikaw lang Isivan ang makulit sa'ting tatlo!" Pangangasar ni Matthew. At nag-asaran naman ang tatlo. Si Dj kasi kahit mahina siya ay nakikisabay siya sa kulitan ng dalawa. Ako naman ay tawa lang ng tawa dahil napipikon na si Isivan. Sa gitna ng kulitan ng tatlo ay nakita ko naman ang paninitig ng triplets sakin. Nakangiti sila pero ang kanilang mata ay iba.. Masyadong maiinit. Tumikhim ako at pinagsabihan na ang mga kapatid ko na magpatuloy na sa pagkain. *** "Papasok ka pa ba sa work mo ngayon, Ate? Pwede h'wag muna?" Tanong ni Dj habang nakanguso. Bumuntong hininga ako, Inakbayan ko siya, "Kailangan, Dj. Kailangan na'tin ng panggatos tsaka, 'diba, nag-iipon tayo for your operation?" "Pero Ate.. Napapagod ka naman? Okay naman na ako, eh." Sasagot na sana ako pero nagsalita si Rafael, "Sorry to interrupt but.. Anong meron sa operation?" "Uh.. M-May sakit kasi si Dj.." sagot ko. Kumurap-kurap ako para pigilan ang pangingilid ng luha ko. "S-Sorry.." He said. Nagkatinginan naman silang tatlo at meron silang tinginan na sila lang ang nagkakaintindihan. "Can we talk to you for a sec?" Tanong ni Nathan. Nagtatanong man ay tumango ako. Sinabi ko kay Matthew na ayusin niya ang pinagkainan. Dinala ko sila sa balkonahe namin, "Ano 'yun?" Tanong ko. Nagkatinginan nanaman silang tatlo at nagsipagtanguan. Rafael cleared his throat, "We have a offer to you.." "A-Ano 'yun?" "I mean.. It's weird but.. you can earn 100,000 pesos every—" "100,000 pesos?!" putol ko sa sinasabi ni Rafael. "Yes.." Nathan said while staring at me. "Kaya pala weird kasi ang laking sahod—" naputol ang sasahin ko ng si Tristan naman ang nagsalita. "Hindi 'yung presyo ang weird," He said. "Eh, ano pala?" Tanong ko. "Be with us.." Seryosong sabi ni Rafael. Napakunot ang noo. Hindi ko magets ang sinasabi nila. "Wait— Wait! Ano yung pinagsasabi niyo?" "Be with us.." Ulit ni Nathan. "Be ours." Dagdag ni Tristan. "Let us Lick every inch of you at yayaman ka sa'min.." Rafael said na ikinalaglag ng panga ko. What?! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD