"Ate, kailan ako papasok?" Hinalikan ko ang ulo ni Isivan bago siya sagutin, "Next year, baby.." sabi ko. Ngumuso naman siya, "Sabi nila Kuya Raf, Kuya Tristan and Kuya Nate, three years old palang daw ay pwede na magschool." Aniya. Lumawak ang ngiti ko dahil hindi na siya masyado nag-e-english. Hindi naman sa ayaw namin siya matuto nu'n, gusto lang talaga namin na matuto siyang managalog. Hindi din mawala ang ngiti ko dahil sa binanggit niya ang tatlong lalaking naging kaibigan ko na. Simula nung araw na pumunta sila uli sa bahay para kumain ng luto ko ay araw-araw na silang pumupunta sa'min. Nagulat din ako dahil mabilis na nakagaanan ng loob nina Dj at Isivan ang tatlo. Si Matt ay medyo ilag sa tatlo sa hindi ko mawaring dahilan. Sa isang linggo nilang pagpunta-punta sa bahay ay

