Buti nalang talaga at 10 am pa ang klase ko at dalawang subject lang kaya okay lang nung nalate ako nang uwi dahil sa pag o-overtime.
Naabutan ko si Matthew na gumagawa ng kanyang projects.
"Kumain na kayo?" Tanong ko habang umuunat.
"Oo Ate.." Sagot ni Matthew habang nag susulat pa din.
Tumango ako at pumunta na sa lamesa para kumain ng almusal.
"I want to study!"
Nilingon ko ang bunso kong kapatid na nakadungaw na sa ginagawa ni Matthew.
"Next school year.." Sagot naman ni Matthew.
"Mas maganda hindi ka maaga mag-aral.." Sagot ni Dj na nakaupo sa single sofa habang may binabasa naman.
"I know how to read and write naman na eh!" Nagcross arms pa ang bunso namin.
"Mag-aaral ka Isivan maybe next year.." Sabi ko sakanya pero lalong sumimangot.
"I want to study now!" Maktol niya.
"You can study naman kahit dito sa bahay eh.." sagot ko sakanya, "Tsaka, managalog ka ayaw ng mga girls na ingleserong lalaki.."
"Whatever, Ate!" Sagot niya at inirapan ako. Sumalapak siya sa sahig at ginawa ng busy ang sarili sa pag do-drawing.
Ako naman ay gulat pa din. Hindi ko talaga alam kung saan niya nakukuha ang mga ganoong salita at kilos. Narinig kong humagikgik si Dj at Matt-Matt at nakatingin sa'kin.
Nagpatuloy na ako sa pagkain. Pagkatapos ay kinuha ko na ang tuwalya at damit ko sa kwarto ko at pumunta na sa banyo para makaligo.
30 minutes din ang tinagal ko sa pag-aayos ng sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at naabutan si Matthew na naglilinis ng sala.
Buti nalang every thursday ay wala siyang pasok kaya siya na ang nagbabantay sa dalawa kong kapatid.
"Alis na ako.." Paalam ko at nilapitan ang tatlo para mahalikan sa ulo except kay Matthew na mas matangkad sakin.
"Ingat, Ate.." Sabi nila.
"May karne pa naman dyan sa ref, yun nalang lutuin niyo para sa tanghalian." Bilin ko tsaka umalis.
Mabilis ang naging byahe ko papuntang school. Pagkadating ko sa room ay nakita ko na agad si Mhia na nakangiti habang nagcecellphone.
"Huy!" Tawag ko dito.
"Hi Riley Sheen!" Bati niya sakin at nagpatuloy na uli sa pagbutingting ng kanyang cellphone.
Umupo na ako sa tabi niya at dinungaw ang kanyang cellphone. May katext siya. "Sino yan?" Tanong ko.
"Si JB at MB ko hihi.." Sagot niya sakin sabay hagikgik.
Nakita ko nga na Jb at Mb lang ang nakalagay na name sa dalawa niyang katext.
"Pogi?" Tanong ko.
Tumango ito, "At hot pati!" Sabay impit na tili, "Grabe I can still feel their touch.. Oh my god!"
Ano kaya ibig sabihin niya sa 'Touch' na yun?
Nagkibit balikat nalang ako at siya naman ay nagpatuloy sa pagtetext. Pumalumbaba ako at naghintay nalang sa pagdating ng prof namin.
"Nandyan nanaman sila!" tili ng isa sa mga kaklase ko kaya napatili na din ang iba.
Si Mhia ay napatigil pero bumalik uli sa pagbutingting sa cellphone niya.
Nagsilabasan ng room ang mga classmate ko at ganun din ginawa ng estudyante sa kabilang room.
"Sino ba yung tinutukoy nila at pinagkakaguluhan?" tanong ko kay Mhia.
"Yung mga gwapo nga na tinutukoy ko.." Sagot ni Mhia ng hindi niya tinatanggal ang paningin sa cellphone.
Tumingin ako sa bintana para makita sana kung sino yun pero hindi ko makita gawa ng maraming nakaharang na estudyante.
Mas lalo lumakas ang nga tili ng mga babae. Mga kaklase kong lalaki ay nakisilip na din sa pinto.
"Masyado bang importante ang mga 'yun?" takang tanong ko kay Mhia.
Binulsa niya yung cellphone niya at tumingin sakin, "Very important.." ngumiti siya sabay tayo, "Tara.. Para makita natin silaaaaaaa!" sabi niya sabay haltak sa'kin patayo.
"Boys! Makikidaan muna ang mga babae!" sigaw niya at nagsitabihan ang mga lalaki.
"Ayan na silaaaaaa!"
"Putang inaaaaaa!"
"Ang gwapo niyo!"
Mas lalong lumalakas ang tilian sa paligid. Mapababae man o bakla.
"Ayan na sila, Ley!" siniko ako ni Mhia at tinuro sa'kin kung sino ang mga dumadating.
Nalaglag ang panga ko nang makita ang tatlong dumadating. Sila 'yung mga nakabangga ko kahapon.
Isa lang talaga ang deskripsyon ko. They are all like greek gods. Napakurap ako ng biglang bumaling silang tatlo sa pwesto ko. Their hazel eyes bore onto me. Ngumisi silang tatlo na ikinatili ng mga babae.
Nag-iwas ako ng tingin. Masyadong mabigat ang paninitig nila sa'kin.. hindi ko alam kung sa'kin ba talaga sila nakatingin.
Umatras ako at bumalik na uli sa upuan ko. Maya-maya ay nagsibalikan na ang mga estudyante sa rooms nila.
"OMG! NAKITA MO SILA LEY? PAKINGTEYP! ANG SARAP DILAAN!" tili ni Mhia.
Tumango nalang ako bilang sagot. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panghihina sa paninitig nila. Parang.. nakita ko na yung ganoong paninitig sa'kin.
Dumating na ang prof namin kaya nakinig nalang ako sa tinuturo niya.
***
"KAIN tayo." yaya sa'kin ni Mhia pagkatapos ng aming huling subject sa araw na ito, "Good mood ako ngayon kaya lilibre kita ng kahit ano!" sabi pa niya.
Ngumiti ako at pumayag na sa kanyang alok. Mahirap tanggihan ang offer.
"Himala ata nanlibre ka?" Tanong ko.
Once in a blue moon lang kasi ito manlibre lagi kasi kaming KKB.
"Wala lang.." Nakangiting sabi niya.
"Ows?"
"Oo nga.. Trip ko lang talaga man libre ngayon.." ngumisi pa ito.
Tumango nalang ako at hindi na kinulit pa siya baka magbago pa ang isip niya eh.
Pagkapasok namin sa canteen ay agad kaming dumeretso sa counter para makapag order na ng makakain.
"Wow ka! Sinulit mo talaga ang libre ko sa'yo."
Natawa ako dahil sa sinabi niya. Halos mapuno kasi ang tray ko ng sweets at iba pang pagkain.
"Sayang naman minsan ka lang manlibre diba?" sagot ko sakanya.
Napapailing na natawa nalang siya. Nakahanap agad kami ng pwesto kaya agad na kaming umupo dun.
"Anong oras work mo?" Tanong ni Mhia habang kumakain ng sandwich.
Uminom muna ako ng juice bago siya sagutin, "Balak kong umabsent sa afternoon work ko.."
"Umabsent ka nalang kaya muna para makapagpahinga?" Suggest niya.
Tumango ako inilabas ang cellphone ko, "Text ko lang boss ko.."
Nagtatype ako nang itetext ko ng marinig ang tilian ng mga babae sa canteen pero natahimik bigla iyon.
"Pwede ba kaming makiupo dito?" A boritone voice said.
Nagitla ako nang may sumipa sa ilalim ng lamesa. Nag-angat ako ng tingin kay Mhia at tinignan ko siya na nagtataka. Ngumuso siya at tinuro ang kaliwa ko. Nilingon ko iyon at halos bawian ako ng hininga sa tumambad sakin.
Halos malaglag ang panga ko. Mas gwapo talaga sila kapag malapitan.
Yung tatlong lalaki pinagkakaguluhan ng mga babae ay nasa tapat namin ngayon.
"H-Huh?"
Ngumisi ang isa sakanila, "Pwede bang makiupo dito?"
Sasagot na sana ako pero si Mhia na ang sumagot.
"Syur! Syur!" sagot nito.
Hinatak ako ni Mhia palapit sa kanya para may pagpwestuhan ang tatlo. Umupo sila sa tabi namin.
Nagpatuloy na ako sa pagkain kahit na naaasiwa ako dahil sa paninitig nila. Si Mhia naman ay iniinterview sila.
"Nag-aaral din kayo dito? Bakit hindi kayo nakauniform?" Tanong ni Mhia na hindi na uli pinagpatuloy ang pagkain.
"We're just visiting actually.."
Napalingon ako sa sumagot. Nakatinging siya sa'kin habang sumasagot. Siya ang pinaka mascular body medyo mas maliit sa dalawa at may bandanang nakalagay sa kanyang ulo.
Tumigil na ako sa pagkain dahil medyo busog na ako at naaasiwa talaga ako sa paninitig nila. Nilibot ko ang mata ko sa paligid at halos lahat ng mga babae na nandun ay nakatingin sa pwesto namin, nakasimangot.
"Oh? Pangalawang araw niyo na dito diba? Magtatagal kayo?" tanong uli ni Mhia
"Maybe.." the one with hazel eyes too said. May katangkaran ito at maganda din ang pangangatawan.
Uminom ako ng tubig para maibsan sana ang pagkakaasiwa dahil sa paninitig nila.
"Wow! Galing!" Sabi ni Mhia na punalakpak pa, "Wait.. Magkakaibigan kayo?" tanong niya.
"Triplets.." sagot uli nung may bandana sa ulo.
Gulat kami ni Mhia dahil sa sinagot niya. Triplets? Hindi sila magkakamukha except sa parehong kulay ng mata nila, yung mga labi nilang parang laging nakapout at ang pagiging gwapo nila.
"Weh? Di nga?" gulantang na tanong ni Mhia.
Ngumisi silang tatlo at tumango pa uli.
"Grabe! Pero ang gwapo niyo pa din" walang paligoy-ligoy niyang sinabi iyon.
Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Mhia. Hindi din niya tinago ang pagkakakilig niya dahil sa tatlo.
"Thanks.." sagot nilang tatlo.
"Wait lang Ley at mga Fafa hihi.." Tumayo si Mhia at akmang aalis siya nang pinigilan ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko. Bakit niya ako iiwan mag-isa kasama sila?
"Magjijingle bells lang ako!" sabi niya sabay ngiti sa tatlo.
Wala akong nagawa ng umalis siya para magbanyo. Humarap nalang ako sa natitira kong pagkain at doon tumitig.
"We haven't introduce ourselves to you.." Nag-angat ako ng tinging nang magsalita ang isa sa kanila.
Yung isang lalaki ba mas matangkad yun.
"Uh.."
"I'm Rafael Joseph Miller.." He extended his hand to me. Nahihiyang tinanggap ko iyon.
Halos mapatalon ako nang magdikit ang aming kamay. Kinilabutan ako dahil sa kakaibang pakiramdam ng magdikit ang mga kamay namin.
"I'm Tristan Alexander Miller.." Pagpapakilala naman nung isang may bandana sa ulo. Inabot niya din ang kamay niy sakin kaya tinanggap ko iyon. Kagaya nung nauna nakaramdam din ako ng kuryente na dumaloy hanggang saking batok. Agad kong binitawan ang kamay niya.
"And I'm Nathan James Miller.." Napabaling ang paningin ko sakanya. Seryoso ang kanyang mukha pero nakangisi. May dalawang kulay na itim na hikaw sa magkabilaang tenga. Inabot niya din ang kamay niya. Nag-aalangan kong inanot iyon at agad din napabitaw. Naramdaman ko din sakanya ang naramdaman kong kuryente sa dalawang nauna.
Mas lumawak ang pagkakangisi nila na tila ba alam nila ang naramdaman kong dumaloy mula sa kamay nila.
Tumikhim ako at nagpakilala, "I-I'm R-Riley Sh-Sheen Parraz.." Napapikit ako ng mariin dahil sa pagkakautal ko.
"We know.." they said and then they chuckled.
Napabaling ako sa tatlong lalaking nasa harapan ko. Mapupungay ang kanilang mga mata pero nakangisi sila.
Paano nila nalaman name ko?
"P-Paano niyo nalaman?" Takang tanong.
Ngumiti sila at tinuro nung Rafael ang kanang dibdib ko, "Your nameplate.."
Napatingin ako sa nameplate ko at gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa katangahan ko, "Ah.." Nasabi ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong canteen na halos karamihan ng mga babae ay nakatingin sa pwesto namin o sa tatlong lalaking nasa harap ko.
"Mas maganda ka pala kapag maliwanag ang paligid."
Bumaling ako sa tatlong kaharap ko. Si Rafael ang nagsalita nun. Nakita nila sigurong nagtataka ako dahil sa sinabi nila kaya bahagyang natawa sila.
"Mas maganda ka pala kapag maliwanag ang paligid, Riley.." Sabi uli ni Rafael pero ang pagkakabanggit niya sa pangalan ko ay tila malambing sa pandinig ko o guni-guni ko lamang?
"U-Uh.." Wala akong masagot sa sinabi niya at hindi ko din magets ang sinabi nila.
Natawa nanaman sila, Humilig sa lamesa yung Nathan. Pinangtungkod niya ang kanyang mga braso. Kahit na malapad ang pabilog na lamesa ay medyo umatras pa din ako.
"Don't you recognize us?" Nakangisi niyang tanong.
Bakit ang hilig nilang ngumisi? Ang sarap anonhin.. Ano ba pinagsasasabi mo Ley?!
Umiling ako pero parang pamilyar ang kanilang mga mata. Hindi ko lang alam kung saan ko yun nakita. Mahina ako sa pagtatanda ng mukha.
"M-Marami akong nakakasalamuhang tao sa mga trabaho ko k-kaya hindi ako madaling makatanda ng mukha.." sagot ko.
Sa dalawang trabaho ko na humaharap sa mga tao ay imposible talaga akong makatanda ng itsura lalo na sa Bar na laging dim ang mga ilaw.
"Hmm.." Tumango-tango si Tristan, "Matagal ka na ba na waitress sa bar?" Tanong niya.
Gulat akong nilingon siya. Paano niya alam?
"Paano mo nalaman?" Gulat kong tanong.
"We were there last night.." Sagot ni Nathan.
"Namukhaan ka namin." sabi pa ni Rafael.
"Kayo yung mga bisita nung nagrent ng bar?" Tanong ko. Hindi ko sila nakita kagabi.
Nagkatinginan silang tatlo, "Yeah.." sagot ni Tristan.
Napatango-tango nalang ako. Hindi ko talaga tanda na nagserve ako sa kanila
kagabi.
"So.." si Tristan na humilig na din sa lamesa. Pareho na sila ni Nathan na nakahilig at pinaggigitnaan nila si Rafael na nakasandal pa din at nakahalikipkip. "What's your other work?"
"Coffee shop." sagot ko.
"Bakit ang dami mong work? Buti nakakaya mo kahit may school and.. buti pinapayagan ka ng parents mo?" tanong ni Rafael sakin.
Ngumiti ako ng mapait, "Wala na akong magulang tsaka.. Kailangan kong kumayod para sa mga kapatid ko.."
Nawala ang mga ngisi nila. Tinanggal nila ang pagkakahilig sa lamesa at bumalik sa pagkakasandal.
"Sorry.." sabay-sabay nilang sagot.
Umiling ako, "Wala kayong dapat ika-sorry." nginitian ko silang tatlo.
Sakto naman ay dumating na si Mhia sa'ming lamesa.
"Haaaay.. Daming pila.." sumalampak siya sa upuan.
"Kaya pala natagalan ka." Sabi ko sakanya.
"Oo.. Haay!" bumaling siya sa tatlo, "Mukhang nagkukwentuhan kayong apat ah?" bumaling siya sakin tsaka ibinalik sa tatlo ang paningin.
"Yeah." sagot nilang tatlo.
"Wow!" Sabay pumalakpak pa si Mhia.
Tinignan ko ang relos ko na nasa palapalsuhan ko sa kaliwa. Mag-aalauna na!
Kailangan ko nang umuwi. Kailangan ko pang asikasuhin ang mga kapatid ko. Buti nalang pumayag ang boss kong magday-off ako ngayon.
"Mhia.." Nilingon niya ako, "Mauna na ako, si Matthew lang nandun sa dalawa baka sumpungin si Dj.." Sabi ko sakanya.
"Ganun ba? Sige.. Dito muna ako."
Bumaling ako sakanya, "Sino hihintayin mo?" Tanong ko. Niligpit ko na ang gamit ko. Nilagay ko na din sa bag ang mga nakalagay sa plastic na cake. Sayang kasi.
"Pupunta si Jb at Mb ko hihihi!" sabi niya sabay hagikgik.
Tumayo na ako at isinukbit sa likod ang backpack ko. Bumaling ako sa tatlo, "Una na ako.." paalam ko.
Hindi ko na hinintay pa ang isasagot nila at tumalikod na ako. Hahakba na sana ako nang pigilan ako.
"Wait up.." nilingon ko ang nagsalita at si Nathan iyon.
Tumatayo na din silang tatlo, "Aalis na din kami.." sabi ni Tristan kay Mhia.
"Bakit?" Tanong ko kay Nathan.
"Sabay-sabay na tayo." sagot niya.
"Ganun ba? Sige salamat sa time kahit puro tusok na ang katawan namin dahil sa paninitig ng mga babae hehehe."
Natawa ang tatlo, "Sorry about that.." sagot ni Nathan.
Sabay-sabay kaming limang
lumabas ng canteen pero pagkalabas namin ay umiba na siya ng daan.
"Dito na ako ah? Salamat.." sabi ko sa kanila ng makita na ang daan palabas ng school.
"Ihahatid ka na namin, Riley." Tristan said. Ayun nanaman sa guni-guni ko. Kakaiba sa pandinig ko ang pagbigkas nila sa pangalan ko.
Umiling ako, "Hindi na."
"We insist.. Come on." Wala na akong natagawa ng haltakin ako ni Rafael.
Isang itim na kotse ang tumambad sakin. Fortuner ang nakalagay sa harap nito.
Iginaya ako ni Rafael sa pintuan ng frint seat. "Dito ka."
Umiling ako, "Hindi na. kaya ko naman magcommute." Sabi ko sakanila.
Tinignan ko ang paligid. Buti nalang at tanghali kaya walang mga estudyante sa labas.
"Tinuruan kami ng mga tatay namin na maging gentlemen kaya hindi ka namin hahayaang mamasahe sa masikip na sasakyan." Nathan said. Humalukipkip ako.
Ngayon ko lang napansin kung gaano sila katangkad.
"Mga?" Takang tanong ko. Bakit mga tatay namin?
Nagkatinginan ang tatlo bago binalingan ako, "Wala yun.." Binuksan na ni Rafael ang pintuan, "Pasok ka na." nakangiting sabi niya.
Para akong nahipnotimo at wala na akong nagawa. Sabi ni Nathan masakip daw ang jeep pero parang mas masikip dito sa loob ng kotse nila?
Si Rafael ang nasa driver seat at ang dalawa naman ay sa likod. Umandar na ang kotse at ako naman at itinuro kung saan papunta sa bahay namin.
****