Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog na nanggagaling sa cellphone ko na nasa ibabaw ng bed side table. Humikab ako at inaantok na inabot ito, si Riley ang tumatawag kaya napakunot ang noo ko. "Hello, Riley?" I answered bago sinipat ang malaking wall clock sa itaas ng pintuan. I tsk, It's already 3 pm at napasarap ang tulog ko. I look at my son beside me, He's peacefully sleeping while hugging me tightly, napangiti ako at hinalikan ang matataba niyang pisngi. "Tuloy pa ba tayo? Hindi ka kasi nagme-message sa'kin." Ilang segundo pa akong naguluhan bago natapik ang sarili kong noo. "I'm sorry, Riley! I forgot! Napasarap ang tulog ko while tucking Zeus' on bed pati ako ay nakatulog." Dahan-dahan ang ginawa kong pagbaba sa kama upang hindi magising ang anak ko, inayos ko ang pagka

