Huminto kami sa tapat ng Zeus Medical Hospital, Mabilis siyang bumaba para pagbuksan ako ng pintuan at inalalayan pa ako. Syempre may kasamang chansing 'yon. Kung hindi niya papaluin ang pang-upo ko ay papadaplisin naman niya ang palad sa dibdib ko. "Travis! Tigilan mo nga ang kamanyakan mo! Baka may makakita." Tinapik ko ang kamay niya na nakahawak na ngayon sa balakang ko. "Wala namang tao." He pouted his lips at umakbay sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay ng maging siya ay sasama sa akin papasok. "Wala kang meeting? Iwan mo muna ako dito. I'll just call you to fetch me." Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at hinarap ko siya. "Nah. I'll never gonna leave you." Inaantok na saad niya pero ang malamlam na asul na mga mata ay sumisigaw ng senseridad. Ngumuso ako. Paano na ba ang

