"Sinabi mo di ba na ang dahilan ng pagkapunit ng utak ay dahil sa sobrang lamig ? So , ito na nga iyon - ang dahilan ay dahil nilagay nila sa freezer si Arnel . At iyon ang gusto nilang palabasin , na namatay nga si Arnel pagkatapos ng pagnanakaw . Nilagay nila si Arnel sa wine cellar at ang lamig ay full blast . Siguro ang una nilang balak ay tumawag ng ambulansya kinabukasan at sabihin na inatake si Arnel at namatay dahil siya ay diabetec . At dahil nga sa tumawag si Rema Vailoces sa pulis at nahuli si Katalbas , Kaya kailangan nilang mag improvise." "Paano naman iyong mga ninakaw Niya na nasa kaniyang bulsa . "The gold vintage watch and the golf ball?' "Ang hula ko ay dahil naging gahaman si Katalbas . Siguro hinablot Niya ang mga nasabing items , iyang golf ball at vintage watch

