Angela Pov Nagpatuloy ang hindi magandang pagtrato sa akin ni Eric lalong-lalo na ang kanyang kapatid at ina. Lahat ng sama ng loob ko sa pamilya ni Eric ay inilalabas ko kay Nancy. Laking-pasasalamat ko na palaging nasa tabi ko siya at hindi ako iniiwan. Nakahanda siyang makinig sa mga sasabihin ko at lagi rin siyang nandiyan para damayan ako. "Malakas ang kutob ko na may ibang babae si Eric, Nancy. Nararamdaman ko na niloloko niya ako," umiiyak na pagsusumbong ko sa aking pinsan. Hindi ako umiiyak dahil nasasaktan ako dahil mau ibang babae ang asawa ko kundi umiiyak ako dahil nasayang lamang ang tiwala ng daddy ko na ibinigay niya kay Eric. Kung nakikita lamang ni daddy ang kalagayan ko ngayon tiyak na malaki ang pagsisisi niya na pinilit niya akong ipakasal sa walang kuwentang lalaki.

