Chapter 60 End of the first chapter Suzy Napabuntonghininga ako habang nakatitig sa kawalan. Malapit na pala ang pasko, malapit na rin ang bagong taon, pero ito at wala pa rin akong ireregalo kay Mervin. Not that he asked me to get him a present, but I still want to. This is our first Christmas together, after all, our first Christmas as a couple too. May naisip na akong regalo sa mga kaibigan ko kaya sabay-sabay ko silang bibilhin sa ibibigay sa 'ming oras bago ang Christmas party. Pero ito nga at hindi pa rin ako makapag-decide sa kung ano ang ibibigay sa boyfriend ko. "Huwag mo masyadong alalahanin," ani Larianne habang kumakain ng french fries. "Kapag nandoon na tayo sa mall, saka tayo maghahanap." "Oo nga, Suzy, tutulungan ka namin. Nag-iisip pa rin kami ni Larianne ng irerega

