Chapter 41 Before the blizzard Suzy Tiniklop ko ang pinaghigaan at inayos ang sarili ko. Dahil mukhang ayos naman na si Marvin ay naghanda na ako sa pag-alis namin dito. Tiyak na nag-aalala na talaga sina Papa sa ‘kin dahil pangatlong araw ko na ‘tong nawawala. Hindi na rin ako makapaghintay na makita si Mervin dahil tiyak na nag-aalala rin iyon lalo na at isa siya sa mga kasama ko bago ako nawala na lang bigla. Sana lang ay huwag kong maabutang umiiyak si Gerimhae dahil mababatukan ko talaga ang lalaking ‘to. Imbis na ang manipis na puting dress ang suot ko, I am now wearing a casual shirt and a pair of jeans na pinahiram sa ‘kin ni Marvin. Kung kanino ito, I do not have an idea pero nagpasalamat na lang ako. Pagdating ko sa bahay ay saka na lang ako magpapalit. Hinarap ko siya kay

