Chapter 32 Marvin’s mate Suzy Malapad ang pagkakangiti ko nang umagang iyon. Sa hindi malamang dahilan ay parang mas lalo akong ginanahan na pumasok. I don’t particularly dislike school, pero minsan talaga nakakatamad pumasok. Kahit na hindi naman ako pulakbol na estudyante, may pagkakataon pa rin talaga na tinatamad ako. Iba ang araw na ‘to, though. Para bang good mood na good mood ako. Ang ganda ng gising ko sa hindi malamang dahilan. O baka alam ko na talaga, hindi ko lang masyadong binibigyan ng malisya. Pakiramdam ko kasi ay mas lalo akong napalapit kay Mervin. Matapos ang issue tungkol sa pumatay sa mama ko, para bang lumuwag ang puso ko. Parang kahit papaano ay nawala na ang pagkapoot ko sa mga lobo na gaya niya. Hindi ko naman kasi talaga dapat nilalahat ang mga gaya nila. Pa

