Chapter 38 When a mate rejects Suzy Bago pa man ako makalayo at makalabas sa residensiya ng mga Narvaez ay isang malakas na pwersa na ang nagpahinto at nagpatalikod sa ‘kin. Mervin crashed me into a hug. I tried breaking free, but it was futile. Malakas ang mga lalaki, at mas lalong malakas ang mga lobo. I may be strong for a girl, but I am still a girl. Minsan nakakapikon kapag pinangangalandakan ang kahinaan ng mga babae sa ganitong pagkakataon. “Bitiwan mo nga ako,” bulalas ko, still trying to push him away with all my might. “Babalik na lang ako sa school at baka malaman pa nilang tumakas ako.” “I am sorry, babe,” bulong niya. Kahit na hinaplos nito ang puso ko ay hindi ako nagpatinag. I was so hurt! My heart is still breaking like someone is squeezing it because of what he s

