Chapter 43 Love Sickness Suzy I tried reading my biology book and focus myself on the class, but I just can’t. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung ano na ang nangyayari sa kambal sa mga oras na ito. Maaaring tapos na sila sa pagtatalo nila pero hangga’t hindi ko sila nakikitang nagkakaayos ay hindi mapapanatag ang loob ko. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kahapon ay hindi ako mapakali. Para kasing magpapatayan silang dalawa noong huli ko sila na nakita. At mukhang walang may balak na pumigil sa kanila kahit na ang mismong alpha ng pack nila. Kung walang balak pigilan ng alpha ang dalawa, ano pa ang karapatan nina Andrea para gawin iyon? Kung may magagawa lang talaga ako ay ako na ang tumigil sa kanilang dalawa. Tig-isang batok ko lang sa kanilang dalawa ay sisiguraduhin kong magi

