|CHAPTER ONE|
PAGDATING ng umaga ay para akong tanga na nakatingin lang sa gilid ng higaan ko.
Unan nalang ang aking katabi at wala na 'yong lalakeng nakatalik ko na 'di ko man lang nakilala o kahit man lang nakita ang mukha.
Napabuga ako ng hangin at napasabunot nalang sa aking buhok.
Ang laking katangahan talaga nang nagawa ko kagabi.
Ni 'di ko man lang kilala 'yong lalake.
Ang tangi ko nga lang palatandaan ay ang kaniyang asul na mga mata.
Napadako naman ang tingin ko sa isang mesa at may nakitang mga pera. Puro 'yon one thousand.
Pakiramdam ko tuloy ay isa akong bayarang babae sa ginawa niyang pag-iwan ng mga pera doon sa lamesa.
Bumangon ako at pinulot ang mga nagkalat na kasuotan ko kagabi at dagling sinuot pabalik.
Ramdam ko naman ang hapdi ng aking kaselanan sa nangyari kagabi ngunit 'di ko na inintindi at maglalakad na sana palabas ng kwarto nang mapadako ulit ang tingin ko sa mga pera.
"Hindi ako isang bayaran na iiwan lang ng mga pera. Ang nangyari kagabi ay isang pagkakamali lang." Napabuntong hininga ako matapos sabihin 'yon sa aking sarili.
Alam kong mali ang nangyari. Pero 'di ko kayang kunin ang mga perang 'yon na iniwan ng lalaki. Kung kukunin ko ang mga pera ay parang isa na din akong bayaran. Kaya iiwan ko nalang sa mesang 'yan at kakalimutan ang katangahang nangyari kagabi.
Napangiti ako ng mapait at lumabas ng kwartong 'yon. "Stupid Maddison." Ani ko sa sarili at tuluyan nang nilisan ang lugar na 'yon.
_______________
"SAAN ka ba galing kagabi?!" Madiing tanong ni Dennise saakin nang makarating ako sa tinitirhan niya.
Naguguluhan ako kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling nalang sa kaniya.
"Answer me Maddison!" Aniya. At sa pagkakataong 'to ay alam kong nagtitimpi lang talaga siya.
Napabuntong hininga ako. Sasabihin ko nalang sa kaniya ang totoo. Ayokong magalit siya saakin.
Siya pa naman 'yong klase ng tao na malalaman talaga kung nagsisinungaling ka o hindi.
"I... I met a g-guy last night and.... uhmm we danced. Tapos... lumabas kami ng bar at.." Nag a-alinlangan kong sambit.
Kumunot ang kaniyang noo. "At? Anong nangyari?!" Tanong niya.
Napapikit nalang ako. "May nangyari saamin kagabi! At 'yong lalake. 'Di ko siya kilala! 'Di ko nga din nakita mukha niya." Pagkatapos ay dumilat ako at napatingin sa kaniya na ngayo'y gulat na gulat na.
"Ano?!" Sigaw niya nang makabawi mula sa pagkakagulat.
"M-Maddison alam mo ba ang ginawa mo?! Sinuko mo 'yong sarili mo sa lalakeng... sa lalakeng ni-hindi mo man lang kilala!" Sigaw niya na hinihingal.
Napayuko nalang ako at napakagat sa labi. "I-I'm sorry..." ani ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Kahit naman pagsabihan kita sa nangyari ay wala na din naman akong magagawa kasi nangyari na eh. Ang akin lang ay bakit pinayagan mo ang sarili mong makipagtalik sa lalaking 'di mo naman kilala." Muli siyang bumuntong nang hininga.
"So... anong plano mo?" Tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"K-kakalimutan ko ang nangyari! Babalik ako sa normal na ginagawa ko. Magta-trabaho." Mabilis kong sambit.
Tumingin siya saakin. "Paano kung mabuntis ka?" Tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
Agaran akong umiling nang umiling. "H-hindi mangyayari 'yon! Hindi!" Nauutal kong sambit.
"Maddison. What if?" Muli niyang tanong.
Nanlumo ako at halos mapaiyak na. "H-hindi ko alam." Tanging nasambit ko nalang.
Nagkibit balikat siya. "Paano sina France at Chelsy? Sasabihin mo ba sa kanila?"
Umiling ako."K-kung pwede sana huwag na muna nating ipaalam sa kanila. Siguro kapag handa na ako, o kung.... m-may magbunga man." Nanlulumo kong sambit sa kaniya.
"I respect your decision Maddy. I hope na walang problema ang dumating sa buhay mo sa susunod na mga araw."
-----------------------
ILANG LINGGO ang sumunod at bumalik na muli ako sa pagtatrabaho sa isang kompanyang sikat na sikat sa ganoong industriya.
And I'm proud to say that I'm the secretary of the C.E.O, Mr. Alejandro Griffin.
Hindi pa din alam nina Chelsy at France ang nangyari saakin.
Minabuti namin ni Dennise na huwag munang sabihin sa kanila.
Sa mga sumunod na araw ay balik normal ako. Nagta-trabaho para sa sarili kasi wala na din naman akong pamilya.
Ako lang mag-isa ang namumuhay. Hindi ko alam kung sino ang mga totoo kong magulang sapagkat isa lamang ako sa mga batang inampon ng isang orphanage at pinag-aral.
Nang makatapos naman ako ay pinili kong mamuhay mag-isa pero sinusuportahan ko naman ang orphanage na 'yon at binibisita ang mga madreng nag-alaga saakin.
Hapon na nang bigla kong naramdaman ang pagkahilo at para akong masusuka kaya walang atubiling tumakbo ako sa C.R at doon sa alabo dumuwal nang puro laway lang naman.
Napahilab ako sa aking tiyan. Halos ilang araw na din akong ganito. Naduduwal at nahihilo. Hindi ko maintindihan ang nangyayari saakin.
Napahagod ako sa aking tiyan pagkatapos ay naghilamos.
'Di naman ako tanga para hindi isipin na baka ay buntis ako dahil sa mga nangyayari saakin. Pero sana ay hindi. Sana ay isa lang itong ordinaryong sakit.
Sana ay hindi ako buntis.
__________________
Follow me on w*****d:
@Miss Lashie
Add me on f*******::
@Lashie WP