BOOK 2 OF 7

1792 Words

Isang linggo ang nakalipas. Isang linggo na nagluluksa. Sobrang sakit. Halos mabaliw ako na sabay kinuha sa akin ang dalawang anak ko. Na hindi ko pa nakasama sila ng matagal. "Bro?" Napalingon ako sa mga kaibigan ko. Nandito ako ngayon sa Pilipinas. Dinala na ang cremation ng katawan ni Kai. Halos hindi na ako kinakausap ni Sheena. Si Kervy, dito rin siya inilibing. Kalat ang mga bote ng alak sa condo ko. Halos wala na ako sa aking sarili. Hindi ko matanggap ang nangyari sa buhay ko. "Wala kang kasalanan, Kier. Lahat naman tayo mamamatay. Hanggang doon lang ang buhay ng dalawang bata." mahinang saad ni Ginto. "Hindi niyo ako naintindihan! Bakit dalawa sila! Sana ako na lang!" humagulhol ako sa harap nila. "Wala na tayong magagawa. Kier, may anak ka pa. Cheer up, Bro," aniya naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD