Nakatitig kaming siyam sa karneng ahas na inihain sa amin ng asawa ko. "Hindi naman ako kasali dito. Ayoko kumain niyan." sabay irap sa akin ni Tres. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Nanay Sheena, bawal daw tumayo hangga't hindi kinain ang ginataang ahas." Nakangising saad ni Ginto. "f**k you! Kayo ang may kasalanan, bakit pati ako kasama!" inis na saad ni Tres. Mahina naman napatawa si King. Napapailing naman ako. Panay ang hinga namin ng malalim. "Damn! Hindi ko kaya, Bro," aniya ni Geo. "Gawin na lang natin ng pulutan," saad ko at kinuha ang alak ni Daddy Jarred. "Putang-ina mo talaga, Javi! Ikaw ito may pakana!" inis na saad ni Drake. Tawa naman ng tawa si Javi. "Condom lang ang nilagay ko. Kay Bry nga mas malala iyon." "Utos ni Dos iyon!" nakangising sagot naman ni Bry. Pu

