"KUMAIN KA na muna Inconnu," untag sa kanya ng ama ni Sierra. Napahinga siya ng malalim at nagalangan kung susundin ito. Ayaw kasi niyang iwanan si Sierra. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Balot ng benda ang mga mata nito at walang kakilos-kilos. Ang sabi ng doktor nito ay under observation pa rin si Sierra. Ginawa nila ang lahat ng magagawa para maging successful ang operation at dasal na lang daw ang kailangan para tuluyang maging okay ang lahat. Halos beinte kwatro oras na itong tulog. Ang sabi ng doktor ay under ito ng general anesthesia kaya ganoon. Anumang sandali ay puwede na itong magising at gusto ni Inconnu na nasa tabi siya ni Sierra oras na mangyari iyon. "Okay lang ho ako. Hindi pa naman ako nagugutom," seryosong sagot niya at inayos ang kumot ni Sierra. Napa

