Third person pov Hindi sa lahat ng panahon mananatili ang isang lihim na nakabaon habangbuhay. Minsan gumagawa ng paraan ang tadhana para akayin tayo sa katotohanan. Siya ang gumagabay para ating matuklasan ang nakatagong lihim. Minsan nasa harapan mo na hindi mo parin makikilala dahil nagbago na ang anyo, nagbago na ang hitsura. “Tita dito ka ba ipinanganak sa Tuguegarao City?”si Jeremy. “Ay hindi hijo, ampon lang ako ng inay at itay ko,”ayon sa kwento nila napulot lang ako sa may dagat. Bata pa ako noon eh, at hindi ko na rin maalala.”kwento ni Dina. “Wala po kayong naalala tita? I mean hitsura ng mga magulang nyo po hindi nyo matandaan?”si Axel. “Hindi na rin eh, siguro dahil sobrang tagal na kaya nakalimutan ko na ng tuloyan. Mabait naman yung nakaampon sa akin, papa at mama ng ti

