POMME
Hello po..
Ano sa atin hija?Tanong ng matandang babaeng hindi ko kilala, Bagong katulong ba?Hindi na kasi ako nagpa sundo,Kasi gusto kong surprisahin ang meme,Ang tagal narin naming hindi nagkita.. Wala ding sinasabi si mark kina pepe and meme."
Ahh..Bagong kasambahay po ba kayo ng Duncan?Ang lola ang at lolo ko?
Ang Duncan ba kamo?Ang mga Duncan ay matagal ng wala dito,Apat na taon na siguro noong lumipat sila.."
Ho?Parang nabingi si pomme,At parang ayaw niyang tanggapin ang sinasabi ng ale,Siguro nagkamali lang ito?Hindi ang abulay ko ang tinutukoy nito, Impossible naman sila meme at pepe yong sinasabi niya eh.Ang yaman ng abulay niya.Napag aral nga siya sa france at nakatira sa isang apartmen-Hindi kaya?Oh..No,No!
J'aime me Grand- me're..
I love my grandma..
So..Sa kanya lang ako maniniwala."Iling iling pa ito para makunbinse niya ang sarili niyang hindi siya pinabayaan ng abulay niya."
S'il te plait?
Ano yon hija? Hindi kita maintindihan..
Ay, Pasinsya na po..Ahmm..nakikiusap po ako, Sabihin nyu po kong saan ang abulay ko?
Hay.Hija..Hindi ako nag bibiro..Wala nga dito ang mga Duncan,Matagal na."Isang taon bago nakaalis ang binatang yon,unti unting naghirap ang Duncan,Kitang kita ko ang galit na namuo sa mata niya."Kita ko kong paano niya kamuhian ang dalawang matandang yon."
Nandon ako.Dahil lagi akong kasama ng amo ko,Para tingnan alalayan siya kasi matanda na."
Nagsimula ng namula ang mga mata niya at Nanginginig na ang kamay niya ng hindi na niya nakayanan ang narinig mula dito."
Hin-di..Me-me,Pe-pe..Kaya pala hindi ko na sila nakikita?Isang beses lang sila dumalaw sa akin, Pagkatapos nun si mark nalang palagi."
Ahmm..Aling?
Tawagin mo nalang akong Bezel..Ako ang katiwala ng mga Pamilyang Abalos,Matagal na silang naninirahan dito sa pilipinas.Pero mas madalas na nandito ay si madam lang."
Hija..Kong wala kang matutulogan, Pwedi kang tumuloy dito,Kaya lang sa maids quarter ka nga lang.Yon lang kasi bakante, kasi naghahanap pa kami ng kasambahay,Hindi kasi kaya na dalawa lang kami ni Ley..Kaya napagdesisyunan namin na humanan ng makakatulong sa amin,Lalo na't parating na ang apo ni madam."
Aling Bezel.. Pwedi po ba?Ako nalang?
Ang alin hija?
Ako nalang ang papasok na kasambahay nyu,Kasi..Wala din po akong matutuluyan.Kong ayos lang po?
Lumiwanag ang pagmumuka ng ginang at lumaki ang ngiti."Aba,Oo naman hija.Kaya lang kaya mo ba?Mukang hindi ka sanay sa gawaing bahay?
Kaya ko po aling bezel..
Tawagin mo nalang akong manang o nanay bezel..Ang bata mo pa..Ilang taon kana?
Nineteen na ho..At sa trabaho ho?Sanay ho,Ako..Sa apartment po kasi namin kami lang ho dalawa ng kasama ko ang nagtutulungan,May tagalinis po kami ahmm..Kasing edad nyu po ata siya..At once a week lang po siya doon,Naglalaba at naglilinis minsan nagluluto din."
Ay..Ganon bah..O siya,Ano pang ginagawa mo jan..Pasok kana."Ipakilala kita sa amo ko,Pero sa ngayon magpahinga ka muna kasi mukang pagod na pagod ka..
Salamat po nanay..
Pumasok kami sa loob kong saan naalala ko agad ang mga araw ko dito na kasama si uncle LD."
Alam mo ba hija,Walang binago si madam dito.Tingnan mo ang kulay ng dingding ganon parin..At ang interior design ganon pa din kong ano yon iniwan nyu,Yon pa din."
Ibig nyu pong sabihin pati ang mga silid dito ay wala po kayong binago?Nasasabik akong puntahan ang kwartong kinauupahan ni uncle LD noon kong saan lagi kaming natutulog."
Ay..Yon ba?Hindi pinagalaw ni madam ang silid na yon,Naka lock lang yon simula nung umalis ang mga Duncan noon."
Ha?Nakakapagtaka kong bakit nakakandado ang kwarto ni uncle LD?
Ahmm.Pwedi po bang malaman kong bakit nakakandado parin yon,Eh.Sa inyo na po tong bahay diba?
Ayan ang hindi ko alam hija..Kahit akoy nagtataka din."Basta ang sabi ni madam hayaan lang daw yon."
Ikaw bay kumain na?
Ah..Biglang kumalam ang sikmura niya sa tinanong ng ginang."
Wag kanang sumagot.. Dahil alam ko na.."
Ley!
Ley!
Po.?
Bakit po manang?
Ay ito po ba ang apo ni madam?Bakit hindi nagsabi na ngayon darating manang."
Hindi..Hindi siya,. Pwedi bang samahan mo yan sa bakanteng kwarto at Pagkatapos nyu doon pakainin mo muna to,Dahil galing pang byahe yan gutom at pagod."
Areglado manang..Halikana,?
Ahh..Pomme po..
Pomme?Ang galing ng pangalan?
Dito ang maging kwarto mo,lapag mulang jan ang mga gamit mo at kakain ka muna.Mamaya mo nalang yan ayusin."
Agad ko naman nilapag sa kama ang gamit ko, Naalala ko dati..Dito si manang natutulog.. Kwarto ni manang to?bumigat ang dibdib ko ng naalala si manang.. kamusta na kaya siya? Simula noon wala na akong balita sa kanya.Basta nalang akong umalis ng hindi man lang nakapag paalam sa kanya."
Ayos kalang ba pomm?
Ahh.. Sorry..May naalala lang."
Halata nga.. Bigla ka nalang natigilan ng habang tinitingnan mo ang kabuhuan ng kwartong ito..Alam mo ba ang dating nakatira dito ay-
Ay?
Ay..
Ay?
Ay.Lumipat ano.ba yan,hindi mo alam."Shunga naman eh."Kala ko nasabi na ni manang."
Akala kong ano na."
Aysus."Tsismosa nito.
Kinabahan ako."
Halikana nga.!Yan..Sa kakape mo yan..Kaya nerbyosa ka."
Ley naman eh.Hindi ako nagkakape."
Ay..Ganon..O siya,Halikana nga.Kumain kana at ang payat mo,kulang ka sa kanin."Sus,pag ikaw nahimatay nako.Nakapaka ganda mo parin kahit nahimatay kana."
Hahaha.Nakakatawa ka ley."
Ganon talaga,tawanan molang ang buhay,Kahit alam kong malapit na kaming bitayin..
Ha? Bakit naman?
Sabi kasi ni manang..Masama daw ugali nong apo ni madam.Kaya malamang matatapos na ang maliligayang araw namin dito..Kasunod nun mala imperno na..Kaya nga, Kailangan namin ng isa pa."hay,Kong hindi ko kayanin.Aalis talaga ako .Mag abroad nalang ako."
Hay .nako ley..Bukas pa yan makakain si pomme sa kadaldalan mo."
Ay, Halikana nga..Haha..Sinsya na madal dal lang."
Ito..Ito na."
Oh.. upo ka jan,Yan nanjan lahat sa mesa pwedi mong kainin yan lahat."
Salamat ley..Hmmm.napakabait nyu sa akin."
Aysus,Sino paba mag tutulungan kundi tayong mahihirap lang."
Alam mo kong hindi lang sinabi ni manang na papasok ka ng Katulong,Hindi ko iisipin na katulong kalang,Ang ganda ng kutis mo at ang ganda mo para kang model pomme."
Napangiti ako ng naalala na minsan narin akong naging model.. Sideline kolang yon para madagdagan ang allowance ko a month..Sa pamamagitan nun,Nakabayad ako ng tuition fee ko dahil minsan lang nakapagpadala sina meme,Kaya pala."
At doon ko nakilala si Lucia..Kamusta na kaya siya?Napaganda niya at sobrang bait pa.
Hoy!
Ha?
Sino si Lucia?
MISSALMA/M.A