Nang mapagtanto kong wala naman palang pustahang naganap sa pagitan ng dalawa ay tuluyan ng nawala ang guilt na nararamdaman ko. Natuwa rin ako nang maisip kong seryoso nga si Leo kanina nang sabihin nito na gusto nito ang painting ko, to the point that he was willing to pay a high price for it. Nagpaalam na muna ako kila Leo at Mr. Lopez noong nagsimulang mag-usap ang dalawa tungkol sa negosyo. Isa pa ay kanina ko pa balak puntahan si Tita Melinda. Tumingin ako sa direksyon kung saan ko ito huling nakita. Natagpuan ko itong nakaupo pa rin roon at kausap ang iba pang matrona. Kaagad ako nitong napansin na naglalakad papalapit. Tumayo ito at iginiya ako palapit sa mesa nila. "Ladies, this is Xian Perez. He created the Melodies of the sea.” Pakilala nito sa akin sa grupo nila. Sabay-sa

