The whole ride was torture. Buti na lang ay hindi na nagsalita pa si Leo, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko rito. Pagkarating namin sa Simmons Mall ay ipinarada na ni Leo ang sasakyan nito sa parking space na nakalaan para sa kanya. Pagkababa ko ng sasakyan nakatulong ang amoy ng parking lot para kumalma ang pakiramdam ko. Pahinga ko ng malalim ay nalanghap ang pinaghalong amoy ng gasolina at goma. "Saan mo gustong kumain?" Narinig kong tanong nito pagkababa nito ng sasakyan. Dinala ko rin ang mga ibinigay nitong chocolates sa akin dahil naisip kong baka magtagal kami sa loob at matunaw iyon sa loob ng sasakyan. "Ikaw na ang bahala." Saad ko rito at sinundan ko ito papasok. We entered the establishment without being stopped and inspected by the guards. They greeted Leo with fervor

