Tumingin sa akin ng diretso si Jeffrey, naglaho na ang malamlam na ekspresyon nito kanina. "I like you." Nakangiting saad nito. I was taken aback for a second before I smiled in understanding. I knew what he meant with those words. He liked me as a person, not romantically. Pagkatapos nitong sabihin iyon ay natahimik ito wari'y nag-iisip. Hinayaan ko lang ito at kinuha ang peachmango pie sa may tray. Pagkabukas ko ay kaagad kong isinubo iyon sa bibig ko. "Shit." I cursed out loud after biting the pie. Napaigtad ako sa sakit nang maramdaman ko na tumulo sa labi at baba ko ang sobrang init na filling ng pie. Sa paggalaw ko ay natamaan ko pati ang mesa namin at natumba ang isang juice. Mabilis kong kinuha ang isang ice cube na natapon sa mesa at idinampi iyon sa paso ko. Mangiyak-ngiyak

