[36] Confusion I woke up feeling a little dizzy dahil hindi ako makatulog kagabi. I had to take in a sleeping pill para lang mairaos ko ang isang gabi. Sa sobrang dami kong iniisip ay para na akong maluluka. 'Yung pakiramdam na nawawala na sa sarili. I got up at scanned the whole room. "Today is the day huh?" I asked myself in the huge mirror standing near my bed. Nakita ko ang mga bugkos ng iba't-ibang uri ng bulaklak na nagkalat sa kuwarto. Ang wedding gown ko na maingat na naka-sabit sa labas ng aparador. I smiled dryly. Napalingon ako sa pinto nang marahan iyong bumukas at niluwa si Mama na may dalang tray ng pagkain. She's smiling broadly at me. "Anak, kumain ka na. It's a big day today kaya dapat may energy ka." She said at ibinaba ang tray sa ibabaw ng kama ko. Naupo naman siya

