[12] Reunion
Napasandal na lamang ako at nakangiti habang pinagmamasdan ko ang dalawang bata na tulog na tulog sa kama ni Gerry. Keia was hugging Gerry at ang anak ko naman ay nakayakap din kay Keia.
Napagod siguro sila dahil ilang oras ding naglaro. Gerry showed her all the toys that Terrence brought from his last trip abroad. Pati na rin ang photo album na nakalagay sa kuwarto niya ay pinakita niya rin.
I was bothered by Keia's expression habang tinitignan ang mga larawan. She seemed envious of what fun Gerry experienced. Parang may halong inggit sa kaniyang mga mata and it made me trigger my motherly instinct. Parang sa isang saglit ay gusto kong yakapin si Keia at alagaan. Siguro sa kadahilanang pareho kami ng naramdaman noon. Ang lumaki na walang kalinga ng mga magulang.
"Ma'am nasa baba na po ang Daddy ni Keia." Napalingon ako kay Miyang na naglalagay ng face mask. Tumango lamang ako at huminga ng malalim bago tuluyang bumaba.
Nasabi nga pala sa 'kin ni Divina na hindi niya masusundo si Keia dahil may photoshoot pa siya at mukhang aabutin sila ng magdamag. So she called Damien na sunduin ang bata, kahit pa nasa meeting ito ay wala naman nang magagawa.
I opened the door at humarap sa 'kin ang mukha ni Damien. He was still wearing his suit at mukhang galit ito.
"Keia's upstairs. Sa susunod kumuha na kayo ng driver ng bata para hindi na ito maghihintay ng ganoong katagal. How irresponsible of you as a parent."
"Kianna's supposed to pick her up."
I snorted, "Yeah right. Para namang may maaasahan ka sa kaniya."
Hindi na siya nagbigay pa ng side comments tungkol sa mga sinabi ko. He just stayed calm na nakasunod sa 'kin. Nilingon ko siya nang makarating kami sa may hagdanan pero nakapako ang paningin niya sa nga baby pictures ni Gerry. From the time I got her, from the time she first walked, her first try on eating solid foods and so on.
Nakasabit din doon ang kaisa-isang picture ng anak namin. Ang larawan ng puntod ni Zari.
He touched the frame at kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Deep down, alam ko ang nararamdaman niya. Kung ayun man nga ang nararamdaman niya.
Nang malaman ko na patay ang anak ko ay gumuho ang mundo ko. I questioned everything, the doctors, Aby. But worst of all, I questioned Him. I questioned our Creator. Tinanung ko Siya kung bakit pa Niya ibinigay si Zara sa 'kin pero sa huli ay babawiin Niya lang din pala ang anak ko.
I was devastated. Sunod-sunod ang mga nangyari sa akin noon. The problems and hardships na dinanas ko, ang akala ko nga noon ay mababaliw na ako sa sobrang daming problema. Mabuti na lamang at parating nasa tabi ko ang mga kaibigan ko. Lalo na si Aby at Anton.
"Is this your daughter?" Napalingon ako sa kaniya at naabutan ko siyang nakaturo sa picture frame. It was a baby picture of Gerry. Noong isang taong gulang pa lamang siya. She was all dirty from the banana na kinain niya. The photo was taken by Terrence na siya mismong nagbigay ng saging sa anak ko.
I nodded.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at siya naman ay wala nang nagawa kundi ang sumunod at panaka-nakang lumilingon sa pader para tignan ang mga litrato ni Gerry.
Hahakbang na sana ako sa susunod na baitang nang bigla na lamang akong nakaramdam ng panghihilo at hindi ko na naayos ang pagtapak ko sa susunod na step. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa gilid ng hagdanan at nakahanda nang mahulog.
Pero imbis na magtuloy-tuloy ay kaagad naman akong nasalo ng mga bisig ni Damien. He swiftly catched me with one arm around my shoulder.
He looked at me with those familiar big, round eyes of his. My heart started to beat faster, I am aware that it's not just a mere adrenaline rush. It's something else.
"Are you okay?" He asked, whispering.
I couldn't find a way to speak. I was held captive by his stares.
Slowly, he leaned in forward. Not breaking the connection between our eyes. The scent, the familiarity, the scene.
He closed his eyes.
Kaagad akong umayos ng tayo nang bigla na lamang natauhan sa mga nangyayari.
"I'm sorry." I apologized, halos hindi lumabas ang boses ko. I cleared my throat at tinalikuran siya. Nagsimula na ulit akong humakbang papunta sa kuwarto ni Gerry.
Damn it!
Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng kuwarto ay huminga muna ako ng malalim bago pihitin ang doorknob. I opened the door at naroon ang dalawang bata. Nagtuloy-tuloy lamang si Damien na pumasok at lumuhod sa tabi ng kama kung saan nakapuwesto si Keia.
Marahan niya itong tinapik sa braso.
"Keia, let's go na." He said at muling tinapik ang bata sa braso nito.
Si Keia naman ay dahan-dahan na minulat ang nga mata at tinaas ang kamay sa uluhan niya para i-stretch. Kumunot ang noo niya nang makita si Damien sa harap niya.
"Daddy?"
"Yes. Come on, I'll take you home." Marahang binuhat ni Damien si Keia mula sa kama. Nang gumalaw ng bahagya ang higaan ay siya namang naalimpungatan si Gerry. Bumangon ito at hunarap kay Damien.
"Daddy! Daddy sleep." Utos nito sa lalaking nasa harap. Si Damien naman ay nagulat nang makitang ganoon si Gerry. I sighed. May hobby kasi siya na nagi-sleep talk lalo na kapag pagod. Mabuti na lamang at nawala ang hobby niya noon na mag-sleep walk.
Lumapit ako kay Gerry at inalalayan siyang mahiga at kinumutan.
"Makakaalis ka na," utos ko kay Damien.
He cleared his throat at lumabas na sa kuwarto buhat-buhat ang anak na natutulog. Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto ng kuwarto ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag.
I recall something. Nang gisingin niya si Keia at lapitan ito ay para siyang isang robot. Wala siyang ekspresyon na para bang wala siyang pakealam. But when Gerry's sudden words ay parang bigla siyang naestatwa. Parang may biglang nagbago sa kaniya. Ganoon ba talaga ang epekto ni Gerry sa kaniya? It's like magic na kayang-kayang ilabas ng anak ko ang emosyon sa mga mata niya.
No wonder Keia's sad.
I planted a kiss on Gerry's forehead bago tuluyang lisanin ang kuwarto niya.
Pagkalabas ko ay dimiretso na ako sa loob ng kiwarto ko pero bago ako makarating ay nakita ko pa ang nakabukas na kuwarto ni Terrence. Wala nga pala siya dahil may inaasikaso na naman daw silang project.
I gazed at her side table kung saan nakapatong ang isang picture frame. Nakalagay roon ang picture naming tatlo noong nagpunta kami sa Disney Land. Nakasakay si Gerry sa balikat ni Terrence at ako naman ay nakahawak sa kamay ng anak ko.
Once again, I sighed.
If only kaya ko lamang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay sa 'kin ni Terrence. If only...
~*~
"Ma'am, Sir Jake is waiting for you at the office. He said that he needs to give you something, and it's very important." Bungad sa 'kin ni Aine nang nakarating ako kinabukasan sa hotel.
Tumango na lamang ako at dumiretso sa office na naroroon. Naabutan ko si Jake na may tinatype sa kaniyang laptop. I cleared my throat para mapansin niya ang presensiya ko.
"Nandito ka na pala." He said smiling.
Napangiti na rin ako. "May sinabi sa 'kin si Aine, you want to give me something. Tama ba?"
"Yes. Here, an invitation."
May inabot siya sa 'kin na kulay asul na sobre. Tinignan ko pa siya ng nang-aasar sa pag-aakalang wedding invitation iyon. Pero I was wrong. Imbitasyon iyon para sa darating na reunion ng batch namin noong high school.
"Hindi yata ako makakarating," tugon ko at binalik sa kaniya ang sobre.
"Bakit naman? Dahil ba nandun si Damien?"
"Ano ka ba, hindi 'no. Marami lang akong dapat tapusin."
I lied. Ayoko lamang kasing makihalubilo sa mga kaklase naming iyon dahil alam ko na igigisa nila ako sa sarili kong mantika. Alam nila na ex-boyfriend ko si Jak at ex-husband ko rin si Damien.
Panigurado...
Jake sighed. "Don't worry, wala roon si Damien." He reassured me. May halong pagdududa ko naman siyang tinignan pero bago pa ako makapag-salita ay bigla na lamang bumukas ang pinto at tumama sa mata ko ang sinag ng araw.
Doon nakatayo si Damien na nakasandal pa sa gilid ng pinto wearing a white T-shirt na alam niyang gustong-gusto ko, he's grinning at Jake.
"Sigurado ka ba?" He asked, teasing.
*****