Chapter 9

1350 Words
[9] Keia I wiped away the leaves that were scattered all over the tombstone of my daughter. Pero hindi lamang iyon ang napansin ko. There were flowers placed above it, some are fresh at 'yung iba naman ay tuyo na. I was sobbing as my body trembles because of the cold air that passes through me. "Anak kumusta ka na, pagpasensiyahan mo na si Mommy kung ngayon na lang ulit ako dumalaw ha. Hindi ibig sabihin noon na hindi kita mahal, God knows how much I love you Zari. You are my everything, you and your sister." Humikbi ako kasabay ng pagpatak ng malalaking butil ng ulan. I wept at my daughter's grave while hurting. For six years, 'till now. Nangungulila pa rin ako sa anak ko. Masakit para sa akin ang nangyari ngunit kailangan kong tanggapin. It's just that, I never thought, not even in my wildest dream na iyon na pala ang una at huli kong pagbuhat sa anak ko. My little angel, my little darling. I sniffed. "Sige na anak, aalis na muna si Mommy okay? I'll visit you soon. I love you baby." Tumayo na ako at naglakad palayo sa libingan ng anak ko. I was walking while water was dripping down my dress. I was soaking wet pero wala akong pakealam kahit na mabasa pa ang sasakyan ko. I started the engine pero bago iyon ay bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko. I got it from my bag and looked at the caller's ID. It was Divina. I quickly composed myself para hindi na siya magtanong pa. "Hello?" I answered, trying to hold back my tears. "Hello, Yara? Yara I need you to come here, si Lolo..." Bigla na lamang akong kinabahan nang banggitin niya ang tungkol kay Lolo. I know something's up pero hindi ko malaman kung ano ba. I got a hint of feeling that it's bad na para bang biglang gumaan ang pakiramdam ko. I choked. "I'll be there, give me two hours." Dali-dali akong nagdrive papunta sa bahay at nagpalit ng damit. Good thing Gerry's already asleep kaya hindi na siya nagtanong pa. Si Miyang naman ay nandoon pa rin at nanunuod ng horror movie. "O hon, where are you going?" Nabigla ako nang pumasok si Terrence sa kuwarto ko nang nakasuot pa ng coat niya. I remembered, may conference nga pala sila sa hospital kaya ginabi siya. I took a quick glance at him at nilagay ang cellphone ko sa bag, "Terrence I need to go, pupuntahan ko si Lolo. You have to take care of Gerry for tonight okay?" "Do you want me to come with you?" "Hindi na, kaya ko nang mag-isa. Dito ka na muna para may kasama si Gerry in case na magising. Okay? I'll be back," Hindi ko na inantay pa ang sagot ni Terrence at nagmamadaling lumabas. Bago ako pumasok sa loob ng kotse ay ilang ulit muna akong huminga ng malalim, trying to calm myself. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nawala nang talaga si Lolo. I don't know if I'll be any better kapag nangyari iyon. It frightens me more than anything. Kahit naman sino siguro ay natatakot kapag nalaman nila na nasa alanganin ang buhay ng mahal nila. And I love my grandpa so much. He means the world to me. Siya na ang tumayong magulang ko nang mga panahong mag-isa ako. And now that he's suffering, doble ang sakit na nararamdaman ko. Kung puwede ko nga lamang alisin ang sakit ni Lolo ay matagal ko nang nagawa. He don't deserve this. I calmed myself, ayokong magbreak down kapag nandoon na ako. I want to be strong for him. Sumakay na ako sa kotse at nagsimula nang paandarin iyon. Kahit na medyo nangangatal pa ang mga kamay ko ay nagawa ko pa ring magmaneho ng maayos. I was cursing under my breath sa bawat stoplight na madaanan ko. Everytime they stopped at color red ay parang bumabagal ang lahat. Kahit na ang pagtakbo ng mga sasakyan ay biglang nagiging kasing bagal ng mga pagong. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na ang kanilang malaking gate. Parang kidlat na bumaba ako sa sasakyan at tinungo ang pinto. Doon, sinalubong ako ni Divina na umiiyak. "Yara thank goodness you're here." Aniya at niyakap ako ng mahigpit. I hugged her back patting her. Trying to bring comfort to her. "Kumusta na si Lolo. What happened Divina?" I asked, controlling the tone and volume of my voice. "Nagkaroon ng attack si Lolo kanina, unlike his other episodes this one is much worse. Kailangan pang tumawag sa private doctors namin." "O god, how is he? Okay na ba si Lolo?" Marahan na umiling si Divina. "Not yet, hinihintay pa namin na magising siya." I hugged her again dahil nagsimula na naman siyang umiyak. Matapos iyon ay dinala na niya ako sa kuwarto ni Lolo, nandoon si Lola Esperanza na nakabantay sa asawa niya. Ni hindi niya man lamang ako pinansin, she just looked at me at binalik ang buong atensiyon kay Lolo na nakahiga. I looked at him at hindi ko maiwasan ang sarili ko. A tear fell, kasunod ng iba pang mga luha na nag-uunahan sa pagpatak. I've never saw him like this before. Ang huling beses na pagbisita ko sa kaniya ay nakakapagsalita pa siya, he was even smiling and telling me jokes. But now... He's different. He got thinner at lalo pa siyang namutla. I saw how weak he is. I felt something heavy na dumaragan sa puso ko. It's like crushing my heart all over again. "Lolo," I whispered. Hindi ko man malapitan si Lolo ay nakikita ko kung gaano siya naghihirap. Although hindi niya ugali ang ipakita na nahihirapan siya ay nararamdaman ko iyon. Behind his smiles and corny jokes lies a man that had been through a lot of hardships his entire life. Fighting the battles he knows he doesn't have a chance with. Katulad ng sinasabi niya sa 'kin dati, you have to try again and again in order to be successful. Dapat ay nakahanda kang madapa, masugatan at masaktan dahil ang lahat ng iyon ay ang magtuturo sa 'yo kung paano mabuhay. And I guess he's right, "Yara, let's get you something to eat." Tumango lang ako kay Divina at nginitian siya. I glanced at Lolo one more time and again, my heart was filled with sorrows. Tumayo na kami at lumabas, pero bago tuluyang lumabas ay kahit papano ay napangiti ako. I just witnessed an act of true love inside that room. I saw how Lola Esperanza held Lolo's hand kissing it and guiding it to her face. Telling Lolo all their adventures together. Hindi pa kami nakakababa ay bigla na lamang bumukas ang pintuan malapit sa may hagdan. Iniluwa noon ang isang batang babae na nakasuot ng mahabang bestida. Ang itim na itim na buhok nito na umaabot hanggang sa balikat niya. The little girl looked at Divina the looked at me suspiciously. "Keia, bakit hindi ka pa natutulog?" Divina asked her. "I'm waiting for Lolo to wake up po, Tita." Tita? Hindi kaya anak siya ni kuya Dawson? I looked at the girl again. Hindi puwede dahil hindi siya kamukha ni kuya Dawson o ni Liza. At pagkaalam ko ay wala ng ibang pinsan si Divina bukod kay Damien. And I gasped when a sudden thought croosed my mind. Kiana! "Is she K-Kiana's daughter?" I asked almost whispering. Si Divina naman ay marahang tumango at kinarga ang bata. My heart was skipping beats. Oo tama, si Kiana nga. She's the girl I saw at the park. She's the girl I saw with him. At kung si Kiana ang ina ng batang ito. That only means one thing. "And the father is..." "Yes, Keia's my daughter." Mula sa likuran ni Divina ay nakita ko si Damien na nakasandal sa pader. He was looking at me, clarifying the expression on my face. Imbes na gulat ang ipakita ko sa kaniya ay nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis at mapaklang tumawa. "That's why you didn't grieve at my daughter. May isa ka pa pala," "Yara..." ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD