[32] Did I really? Prente akong naka-upo sa isang duyang upuan na mahina kong idinuduyan. Nakaharap ito sa asul na asul na karagatan habang tinatanaw ko ang malawak na lugar na iyon. Napaka-tahimik ng lugar at panigurado ako na isa itong private beach. Ang malamig na hangin na humahampas sa balat ko at ang mga alon na dahan-dahang napupunta sa pinong-pino na buhangin. "This won't hurt," I whispered as I looked at the horizon. Tinanggal ko ang suot-suot kong tsinelas at nagpalingon-lingon sa paligid sakaling nagmamasid lamang ang lalaking iyon. Kaagad akong napangiti nang maalala ko na abala nga pala siya sa paghuhugas ng mga pinggan sa kusina. I offered him help pero tinanggihan niya ako, masunurin naman ako kaya umalis kaagad ako. Tumayo na ako at humakbang ng dalawa pababa sa hagdan

