[38] He Matters "Ayos na ba 'yan?" Tanong ko kay Jake habang masusing pinag-aaralan ang bago lamang na kade-deliver na mga materyales. Dalawang truck ang deniliver nila para sa huling touches. Marahan namang tumango si Jake. "Yep, maybe half a year or less ay matatapos na rin 'to. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang hotel, parang bahay-bakasyunan lang ang set up." "That's the idea," I said then smiled. "It's a resort-like hotel na parang spa. Since ganoon din lang naman ang ayos ng Emerald sa New York." "Yeah, but unlike sa New York, mas relaxing ang ambiance sa lugar na 'to." "Hmm-hmm." Tumango-tango ako. "Kaya ko lang naman naisipan na magtayo ng hotel sa New York ay dahil sa mga tao na hirap makakuha ng hotel room for a cheap price. And then boom! Nag-click na." I said then laughed.

