Chapter 31 Arianna's POV I fixed my smile bago bumaba mula sa limousine nang pagbuksan ako ng tauhan ni Augustin De Luca na nagpakilala sa akin kaninang si Brandon. Pagkababa ko ay nilibot ko kaagad ang paningin ko. Nasa isa kaming sikat na fine dining restaurant. Labas pa lang ay kita ko na ang loob nito dahil sa halos puro salamin nitong walls, marble tiles at glass walls ang halos bumubuo rito, it looks fancy by the looks of it. Idagdag pa ang mga pormal na taong siyang mga waiter at waitress nitong nagse-serve. "Mr. De Luca is already waiting for us inside, Ma'am," ani Brandon. Bumuntong-hininga ako at tumango. Nauna siyang pumasok sa loob para pagbuksan ako at igiya sa daanan. Sinalubong kami ng isang staff ng restaurant at binati. Nginitian ko iyon at nagpasalamat. Hindi kami roon

