Chapter 27 Arianna's POV Nang makarating ako sa nasabing bar ay kaagad kong hinanap si Lucufer, at naabutan ko nga siya na nakayukyok sa bars at walang malay. "Pasensya na po, Ma'am, inaawat na po namin pero ayaw niya po talagang tumigil," ani ng bartender na kung tama ang pagkakatanda ko sa boses ay siyang tumawag sa akin kanina. Tumango na lang ako at nagbayad. Hindi ko na hinanap ang wallet ni Lucifer dahil may cash naman akong dala. Malakas naman ako, kaso ay dahil parang lantang gulay si Lucifer ay nahirapan pa rin akong buhatin siya, buti na lang at tinulungan ako ng isa sa bouncer para maipasok sa taxi si Lucifer. Nasa loob na kami ng taxi nang pinagmasdan ko siya. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko, sa puwesto namin ay hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya, ngunit kitang

