"Hindi ko maalis ang pakiramdam na ito na patuloy akong hinuhusgahan ng kanyang ina, lalo na sa mga pagkain. Alam kong nasa isip ko lang iyon. Nang hawakan ko na ang aking tinidor, hindi ko maiwasang isipin ang puwede niyang isipin sa akin. Criticing my every bite It's making it hard for me to enjoy our time together, and I'm starting to feel self-conscious sa lahat ng ginagawa ko sa harap niya. Ito ba talaga ang kapalaran ko dahil galing ako sa mahirap na pamilya?" Mga iniisip ng dalaga habang nakaupo sa hapag kainan. Kung hindi pa siya pinisil sa kamay ng nobyo ay hindi siya nakabalik sa kanyang ulirat. "Hal, is there something wrong? Kanina mo pa tinutusok ang manok? Ayaw mo ba ng food? Magpapaluto ako ng iba." Nag-alalang tanong ng binata. Bigla naman namutla si Angen nang makita

