CHAP 6

1070 Words
"Angen" Pilit akong tumayo ng maayos para ayusin ang sarili ko. Ayaw ko makita ni Trina ang itsura. Habang inaayos ko ang aking sarili, mabilis naman inangat ni Rodney ang Zipper ng kanyang suot pang-ibaba. Pagkatapos lumapit ito sa pinto at binuksan. "Sir Rodney, tumawag po ang iyong ama na ikaw na daw ang pumunta sa bagong site." Seryosong saad ni Trina ngunit ang mga mata nito ay panakaw na sinusulyapan ako na parang inuusig. Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan habang patuloy akong tinitigan ni Trina. Pilit kong pinapakalma ang sarili. "May problema ba?" Inis na saad ni Rodney kay Trina nang mapuna na palipat-lipat ito ng tingin sa aming dalawa. "W-Wala! Aalis na po ako at sasabihin ko nalang sa daddy mo na may ginagawa ka." Nauutal na saad ni Trina. Hindi maproseso sa utak ni Trina kung ano ang nangyari base sa nasaksihan. Biglang napatuwid si Rodney ng tayo at inaayos ang sarili. " Next time kung matagal akong magbukas, umalis ka nalang at mahintay." Mabilis kong dinampot ang mga papel na nahulog sa sahig. Pagkatapos hindi na ako nagpaalam at tumakbo na ako papunta ng banyo. Mabuti nalang ay nakabukas at walang tao. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Magulo ang buhok ko at ang putla ng labi ko. Wala ang nilagay ko na lipstick. Naghilamos ako ng paulit-ulit. "Hindi matatanggal ng paghihilamos mo ang iyong ginawa. I thought hindi ka tulad sa ibang babae. " Mahinang saad ni Trina na halata sa boses nito ang pagkadismaya. Napabuga mo na ako ng hangin bago ko siya sinagot. " Hindi mo alam ang buong kuwento kaya huwag mo ako husgahan." Mariin kong saad. "Pangangailangan? Pera? Maganda ka at sexy bakit hindi ka maghanap ng ibang trabaho na hindi mo ipangbabayad ang iyong katawan. May pinag-aralan ka Angen gamitin mo at huwag mong sayangin." Pangaral sa akin ni Trina. "Matagal na akong nagtitiis sa kahirapan. Kung ito lang ang paraan para maihaon ko sa kahirapan ang aking pamilya, gagawin ko kahit labag sa loob ko. Masasanay din ako." "Ang katakotan mo kung mahulog ang loob mo sa kanya." Umiyak ako at biglang yumakap kay Trina. Alam ko concern lang sa akin si Trina kaya pinapangaralan niya ako. Pagod na ako tumakbo sa mga taong mapanghusga. "Salamat! Gumaling lang aking ama, titigil na ako." "Naiintindihan ko. Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Puwede rin share tayo kay Uncle Rodney. Walang hiya ka ang nakalagay sa information mo Uncle mo siya ayon pala Uncle sa kama." Pabirong saad ni Trina. "Salamat, Trina." "Walang anuman. Halika na at baka hinahanap na tayo." Pagkalabas naming dalawa ni Trina, dumiretso na kami sa opisina niya. Hindi ko alam kong nasaan ang boss ko dahil nakasarado na ang pinto niya. Tinuruan ako ni Trina kung ano ang mga gagawin ko pero mukhang hindi ko kakayanin. "Gagawin ko ba talaga lahat ito?" Kunot noo na tanong ko kay Trina. "Yes, gagawin mo iyan lahat, as in lahat!" Nakangising saad niya sa akin. Habang busy ako sa pagbabasa ng mga files bigla ako nakaramdam ng lamig sa gitnang bahagi ng dalawang hita ko. Inangat ko muna ang aking ulo at tiningnan kong may mga CCTV, may nakita akong isa ngunit malayo na sa ilalim ng mesa ko. Palihim kong tiningnan ang suot ko. "Kainis dahil hindi ko nasuot ang panty ko. Ang tanging suot ko lang ay cycling na short. Naala ko sinipa niya pala ito kanina kaya pumailalim sa kanyang mesa. Nag-isip ako kung kakatokin ko ang oipisina niya pero ano ang idadahilan ko. Balisa ako at hindi mapalagay habang nakaupo. "May problema ba?" Tanong sa akin ni Trina. Mukhang nahalata niya ako. "A-Ahh w-wala naman. Nagugutom na ako." Alibay ko kay Trina. "Maya kunti nandito na si Jonas para maghatid ng pagkain natin. Hindi ako bumibili sa restaurant sa baba dahil ang mahal. Nagluluto ang pinsan ko dito at nilalako niya dito. "Really? Mabuti naman kung ganun. Mabuti ka pa halos ng pamilya mo ay nandito na. " "Oi, ano kaba! Bawal ang malungkot ngayon dahil masarap ang ulam na dala ng pinsan ko. Adobo na baboy at saka monggo na gulay." Masayang saad sa akin ni Trina. "Hindi bawal ang baboy dito? Hindi ba't muslim country ito? Mabuti naman pumayag ang boss natin na pumasok dito ang pinsan mo." Sunod-sunod na tanong ko. "Siyempre malakas ang friend mo, biro lang. Pinaki-usapan ko. At tungkol naman sa baboy, bawal naman talaga at saka tayo lang naman dito sa loob. Respito lang. Huwag tayong magpakita na kumakain ng baboy sa harap nila tanda na nirerespito natin ang kultura nila at relihiyon. Wala naman away kung pareho natin binibigyan ng halaga ang kanilang paniniwala. Nasa bansa tayo nila kaya dapat tayo ang makisama. Alam mo sa tagal ko na dito wala pa akong nakaaway na ibang lahi." Napangiti ako. Ang layo kasi ng mukha ni Trina sa ugali niya. Mukha lang itong masungit pero ang bait talaga. Napalingon kami ni Trina nang biglang tumunog ang elevetor. " He's here. Nandiyan na ang guwapong pinsan ko." Matangkad at guwapo ang pinsan ni Trina. " Hi, pinsan. Mukhang may magandang kasama ka yata." Masayang saad nito. "Jonas, si Angen bagong sekretarya dito. " "Wow, nice meeting you, beautiful. Ako pala si Joseph Anthony Neck Arthur Sarasa, short for Jonas." Saad nito sabay tawa. Binato siya ni Trina ng papel. "Ang yabang mo. Tigilan mo na ang kaibigan ko." "It's fine, Trina." "Kainis kasi itong si Jonas. Proud pa sa pangalan niyang sobrang haba." Masaya kaming kumakain nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ng boss namin. Malayo palang ay matalim niya akong tinititigan. Laking gulat ko nang makita ang panty ko na nakalagay sa bulsa ng pulo niya. Boysit siya. "I'm hungry." Reklamo niya ngunit ang tingin niya kay Jonas ay parang naghahamon. " Sige po Sir Rodney, mag-o-order ako ng pagkain mo." "No. Dito ako kakain." "Hu?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Trina. " I said sasabay ako sa inyo. Jonas, akala ko ba may work ka?" Hindi makatiis na tanong niya. "M-Meron, Sir Rodney. S-Sige aalis na ako." "W-Wait lang Jonas. Alas dose na at magbibiyahe ka pa. Kumain ka na muna." Sabat ko naman ngunit mukhang hindi nagustuhan ng boss ko. Lumapit ito sa akin at mahinang nagsasalita sa gilid ko. " Nag-alala ka sa kanya ngunit sa akin hindi." Kinuha niya ang panty ko sa kanyang bulsa ngunit mabilis ko agad inagaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD