Gigil na gigil si Rodney kay Angen kaya puwersahang hinila niya ito hanggang sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang sasakyan.
"Aray, nasasaktan ako." Reklamo ni Angen sa binata. Kitang kita naman sa kamay niya na namumula na at medyo nakaramdam na rin siya ng hapdi.
"Masasaktan ka talaga pagpumalag ka pa." Walang emosyon na saad nito. Walang ng nagawa si Angen kundi ang umiyak habang nagpapatangay sa binata.
Yumuko si Angen nang dumaan sila sa dalawang local na pulis. Malapit na sila sasakyan ni Rodney nang biglang pinahinto sila ng mga local na pulis.
"Tawaqaf 'ant sayidatan, hal 'ant bikhayrin?" Saad ng emerating pulis.
"A-Ano daw? H-Huhulihin ba nila tayo? Ikukulong ba nila ako?" Takot na takot na tanong ni Angen kay Rodney. Sa tuwing nakakakita siya ng pulis ay biglang naalala niya ang kanyang unang karanasan sa abroad.
"Sir, she is my niece. She's crying because her stomach hurts." Agarang sagot ni Rodney. Alam niya ang rules ng Dubai.
"Let me see your IDs?"
Agad naman nilabas ni Angen ang kanyang Id, ganun din si Rodney. Sabay nilang inabot sa dalawang pulis. Nang matapos matingnan ng mga pulis ay agad naman silang pinakawalan.
Napabuga ng hangin si Angen nang makapasok sa loob ng sasakyan. "Nakita mo na ang ginawa mo?"
"B-Bakit ka pa kasi sumunod e marunong naman ako umuwi. Gusto ko lang naman makita ang tinatawag na global city." Mahinang saad ni Angen.
"Puwede mo naman sabihin sa akin. Huwag mo nang subukan ulit na tumakas dahil dadagdagan ko ang parusa at utang mo sa akin."
"N-Nandoon naman sina Sir Timothy at Chenley. "
"Basta." Seryosong saad nito. Hindi na umimik si Angen dahil alam niya hindi parin papayag ang mayabang niya na amo. Isinandal niya ang kanyang ulo at dahan-dahang ipinikit ang kanyang mata.
Nagulat nalang siya nang biglang huminto ang sasakyan. Namangha siya nang napagtanto kung nasaan sila. " Sumunod ka sa akin." Maawtoridad na saad niya sa dalaga.
Sumunod nalang si Angen. Ang buong akala ni Angen ay bibili lang sila ng pagkain ngunit nagtaka siya nang biglang pumasok sila sa tindahan ng nightwear.
"Pumili ka ng kahit anong gusto mo."
"S—" Hindi natapos ni Angen ang sasabihin dahil pinandilatan siya ng mata ni Rodney.
"U-Uncle hindi ko kailangan bumili ng mga gamit dahil bago pa ang mga underwear ko. At saka ang mahal dito, samantala sa divisoria, ang tatlong panty ay nagkakahalaga lang ng 50 pesos tapos pagtinawaran mo minsan 40 pesos nalang."
"f**k. I don't care about the price. Ang sabi ko bilhin mo ang lahat ng kailangan mo. Gusto bago lahat. At saka gusto ko ang mas sexy para mas ganahan ako." Pabulong ba saad ni Rodney kay Angen.
"H-Huwag na." Pagtatanggi ulit ni Angen.
"Miss lahat ng underwear na kasya sa kanya ay bibilhin ko." Mariing utos ni Rodney sa saleslady. Nagulat naman si Angen kaya agad niyang hinarangan ang saleslady.
"Pipili na ako." Saad ni Angen sabay ngiti sa saleslady.
"Good." Matipid na saad ni Rodney at umupo na nga sa maliit na sofa.
"Miss ang mahal pala nito. Panty lang 150 dirham talaga ang presyo." Hindi makapaniwalang saad ni Angen.
"Hayaan mo na ma'm si sir naman ang magbabayad." Abot tainga ang ngiti ng saleslady dahil malaki ang kikitain niya.
Pagkatapos nilang bumili ng nightwear dumaan muna sila sa botica ng mga Pilipino. Walang ideya si Angen kung ano ang bibilihin nila. Ngunit nagulat nalang siya nang makita ang isang box ng pills na bitbit ni Rodney. Gusto tumulo ng luha ng luha ni Ange ngunit ayaw niya ipakita sa kapwa pinoy ang kahinaan niya. Ayaw niya malaman ng mga ito ang totoong relasyon niya kay Rodney dahil baka husgahan lang siya.
Pagkapasok sa loob ng kotse agad inabot ni Rodney ang isang kahon ng pills sa kanya. " Take this. Ayaw ko pa magkaanak. At alam ko hindi ka magugustuhan ni Mommy. Alam ko ang mga gusto niyang babae para sa akin. " Walang emosyon na saad ni Rodney. Parang huminto ang hininga ni Angen nang marinig ang sinabi ni Rodney.
"Alam ko naman ang posisyon ko. At isa pa wala akong balak makulong sayo habang buhay. Tawagin mo na akong pok-pok, slut, w***e o kung ano-ano pa, wala akong pakialam dahil ang importante sa akin ang pamilya ko at gunaling ang papa ko."
"I-I'm sorry. Ayaw ko lang umasa ka. Akala ko tulad ka din ng ibang babaeng nagin—."
"Naging laruan mo? Don't worry hindi ako magiging tulad nila. Hindi ako maiinlove sa tulad mong arrogante at matakaw sa puke." Galit na saad ni Angen sabay baba ng kotse ng binata.
"Hey, saan ka pupunta?"
"Wala kang pakialam. Kaya kong umuwi mag-isa." Saad ni Angen habang naglalakad. Hindi naman tumigil si Rodney sa kakasunod sa kanya. Hanggang sa naiinis na ang binata at binuhat niya ito papasok ng sasakyan.
"Pasensiya kung nasaktan kita pero mas okay na ganito tayo. A-At isa pa hindi ako mukhang p**e. Ikaw lang ang binahay ko, ang iba ay weekend lang pumupunta sa bahay."
Hindi na nagsalita si Angen ngunit umiiyak at sumisigaw ang puso niya. Sobrang naawa siya sa sarili niya. Ngunit kailangan niyang magpatuloy. Gagawa siya ng paraan oras makatapos na si Alma at isang kapatid niya.
------------------------------------------
"Guys, sumama kayo lahat sa fieldtrip at sagot ko lahat ng gastusin, foods allowance at kung ano-ano pa."
"Wow, Alma ang dami mong pera. Iba kana talaga."
"Ako pa ba? Siyempre nag-level up na tayo."
"Thanks Alma."
"Walang problema. See you next week. Sige na uuwi na ako."
Pagdating sa bahay ni Alma agad siya sinalubong ni Sheila. " Ate saan ka ba pumunta? Nasaan na ang pinabili kong gamot ni Papa?"
"Papa, kalahati lang muna ang binili ko sa mga gamot mo. Kulang kasi ang pinadala ni Ate Angen. Hayaan niyo mamaya hihingi ako dagdag."
"Alma, huwag na. Ayaw ko mahirapan ang Ate Angen niyo. Hanggat maari huwag kayo magmessage tungkol sa problima natin."
"Naniwala ka sa kanya papa, alam ko winaldas mo ang pera ni Ate Angen. Ate mahiya kanaman."
"Sheila, tigil-tigilan mo ang Ate Alma mo. At saka panganay si Ate Angen mo kaya dapat siya lang ang kumayod sa atin dahil hindi na makapagtrabaho ang papa niyo." Ngiting aso si Alma ng pagalitan si Sheila. Sinadyang lakasan ang boses niya upang marinig ng kanyang Ina dahil alam niya na kakampihan siya kaysa kay Sheila.