"GURLASH, friendship, ano nang sabi ni Daddy Ali mo? Pumayag na bang mag-join ka sa taekwondo?" tanong ni Chelsea. Nasa loob sila ng CR at nagpapalit ng P.E unform. Tapos na sila ni Chelsea kaya nakaharap na siya ngayon sa salamin. Si Frenel naman ay hindi pa nakalabas ng cubicle. Kinuha ni Julia ang baby powder na nasa backpack na pink at binudbod sa likod at leeg. "Sa palagay mo?" aniyang tiningnan ang katabi sa repleksiyon ng salamin. "Hindi," Chelsea said in a flat face. "Hindi ko din talaga naisipang posible 'yon, hindi ka nga pinayagang sumama sa party ni Jekel, na harmless naman sana 'yon, iyan pa kayang makarate ka. "Hep! Not impossible. Ang sabi n'ya pag-iisipan daw niya. Kukulitin ko na naman 'yon mamaya. Kailan nga ulit ang due ng registration?" "Sa Friday na." "Hala, that'

