Ilang araw ang lumipas simula ng itakda ang araw ng kasal ni Julz at Dimitri. Isang judge na si Guiller Sandoval ang pumili na siyang magkakasal sa kanila. Hindi na rin sila nagreklamo. Mahalaga ay matapos na ang masasamang plano nito. Sa totoo lang ay kinakabahan siya sa pwedeng mangyari. Lalo na at nawawala pa rin ang girlfriend ni Dimitri na si Liza. Sobra din siyang naaawa sa kalagayan ni Dimitri. Mula ng araw na nawala si Liza ay palagi na nitong nilulunod ang sarili sa alak. Pasalamat na lang din siya at nandoon ang mag-asawang Lucas at Anna, para alagaan si Dimitri. Dahil kung siya lang, baka hindi na rin niya alam ang gagawin. Ipinaalam na rin niya kay Andrew na matutuloy ang kasal. Alam niyang nagtampo ito dahil hindi nawagang pigilan ang kasalang iyon. Pero ng ipaliwanag niya ang

