Chapter 19

2165 Words
Matapos mapamili ni Julz ng gamit ni Marco, at mga iba pang kailangan ng mag-ina nito ay bumalik na si Julz sa ospital. Nahihiya pa si Marco sa mga damit, gamit ng sanggol at pagkain na binili niya. "Dok, paano ba ako makakabawi sayo?" Tanong ni Marco ng mapansin nilang dalawa na gising na rin si Mira. Kaya naman hindi na pinansin ni Julz ang sinabi ni Marco sa kanya. "Hi Mira. Ipinakilala ka na ng asawa mo sa akin. I'm Dra. Julian Zusainne tawagin mo na lang akong Julz. Nasa NICU (neonatal intensive care unit) na ang baby ninyo. Dahil premature si baby, magtatagal muna doon ng kahit 2 to 4 weeks si baby. Pero pag wala namang naging problema pwede ng makalabas si baby within 2 weeks. Hindi ako doktor dito. Kinausap ko na rin kasi ang pedia ng baby ninyo at ang doktor na umasikaso sa panganganak mo. Ako iyong tumulong sa inyong mag-asawa." Masayang wika ni Julz na kita naman ni Julz na naluluha na si Mira. "Dok, salamat po sa paglilitas mo sa amin ng baby ko. Kung hindi dah--." Hindi natuloy ni Mira ang sasabihin ng pigilan siya ni Julz. "Baka nakakalimutan mong cesarean ka Mira. Oi wag ka munang magsalita. Higit sa lahat wag kang umiyak baka bumuka ang tahi mo. Wag ka ding tatawa, ni wag ka ding uubo." Biglang wika ni Julz na ikinatahimik ni Mira. "Okay ayan relax ka na. Need mong magpagaling lalo na at mahirap ang cesarean. Mas madaling manganak kasi hindi mo ramdam ang sakit. Pero mas mahirap pa iyan kaysa sa normal delivery. Makinig ka ha. Kung nagpapasalamat ka sa tulong na ginagawa ko sa inyo. Iyon ay magpalakas ka. At isa pa, inumin mo ang mga vitamins at gamot na irereseta sayo. Para makapagbreastfeed ka lalo na at mas masustansya ang gatas ng ina. Kung iiyak ka, isang tabi mo na lang ha. Naiiyak na ng asawa mo kanina. Kaya relax ka na lang okey. Sa nga pala ang ganda ng baby ninyo. Nakita ko kanina." Masayang wika ni Julz at ngiti na lang ang isinagot ni Mira sa kanya. Lumapit naman si Marco sa asawa at hinalikan ito sa noo. Tumalikod naman muna si Julz at nagtungo sa couch na medyo malayo sa kama na kinahihigaan ni Mira. Para naman magkaroon ng privacy ang dalawa, at makapag-usap ng maayos. Matapos makapag-usap ay nilapitan naman siyang muli ni Marco. "Dok, salamat ulit sa lahat. Sobrang laki ng naitulong mong ito sa amin." Ani ni Marco. "Julz na lang kasi." Reklamo pa ni Julz ng biglang tumawa si Mira. "Hoy Mira! Sabi ng wag tatawa. Pag-iyang tahi mo biglang bumuka!" Sigaw ni Julz na ikinatahimik bigla ni Mira. "Thank Julz. Salamat sa lahat ng tulong mo." Wika ni Mira, at napatakbo naman si Julz sa tuwa. "Iyan ang sinasabi ko. Mabuti pa si Mira, ngayon ko lang nakausap, Julz na agad ang tawag sa akin. Pero iyong asawa mo. Dok ng dok. Oo nga doktor ako. Pero okey na akong Julz itawag ninyo sa akin. Mira may pagkain akong binili, pero bawal ka pang kumain. Tubig lang tapos halos mabasa lang ang lalamunan mo. Okey, tapos bukas, kahit kaunting lugaw, wag madami ha. Mas ok kung durog talaga ang kanin at walang buong butil ng kanin. Sinasabi ko na ito kasi baka hindi na maground ang doktor mo at nakausap ko na nga kanina. Hahanap lang muna ako ng motel or hotel kung saan pwede akong magpahinga at babalik ako bukas okey." Mahabang paliwanag ni Julz at muling nagpasalamat sa kanya ang mag-asawa. Lumabas na rin ng ospital si Julz. Nais sana niyang ipaalam kay Jelly kung nasaan siya, pero hindi na lang niya ginawa. Lalo na at malalim na rin ang gabi. Naghanap na lang siya ng hotel na pwede niyang tuluyan. Kinabukasan ay nagpahatid na lang si Julz ng pagkain sa kwarto niya, sa isang maliit na hotel na nakita niya malapit sa ospital. Mula doon ay nasa thirty minutes lang ang byahe. Kahit papaano ay naging maayos naman ang pagtulog niya, gawa na rin siguro ng sobrang pagod. Habang kumakain ay naisip na naman niya ang ginawa niyang pag-amin kay Andrew. Hindi niya alam kung paano pa siya haharap sa pinsan niya, o mas mabuting sabihin na taong mahal niya. Matapos ang pag-aayos niya ng sarili, ay nagready na rin siya na pumunta ng ospital. Alam niyang hahanapin siya ni Andrew at sasabihing nawawala siya. Pero ayaw talaga niya itong makausap kaya naman si Jelly na lang ang naisip niya sa mga oras na iyon. Tatlong ring lang at sinagot na nito kaagad ang tawag niya. "Jelly." Panimula niya. (Oi, dok nasaan ka ba? Kagabi pa pabalik-balik dito si Sir Andrew at hinahanap ka. Nag-away ba kayo?) Tanong ni Jelly na halata sa boses nito ang pag-aalala. "A-ano kasi." (Ano dok?) "Nagselos ako doon sa binabantayan ko, kaya hindi ako pumapasok sa clicnic. Hindi ko naman sinasadya na uminom. Tapos dahil sa pag-usbong ng selos ko. Naamin ko lahat kay Andrew ang nararamdaman ko. Ngayon hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Nahihiya ako at nanliliit sa sarili ko. Lalo na at magpinsan kami. Tapos ganito ako." Mahabang paliwanag ni Julz na rinig niya ang pagbuntong hininga ni Jelly. (Dok, wala namang masama sa pag-amin mo. Ang masama ay kung ipagsisiksikan mo ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Hindi naman di ba? Umamin ka lang naman. Wala ka namang intensyon na masama.) Paliwanag pa sa kanya ni Jelly. "Oo na. Sige na. Salamat Jelly sa payo. Wag mo na lang sabihin kay Andrew kung nasaan ako. Pero nandito ako sa Santa Dolores Hospital. Ito lang naman ang ospital dito na pinakamalaki. Oops! Wag kang magrereact. Hindi ako ang nasa ospital. May tinulungan akong mag-asawa. Manganganak na kasi misis n'ya. Kaya naman nandito ako. Pag okey na sila at pwede ng lumabas ang baby ng ospital, isasama ko sila ng Maynila okay. Ipapakilala ko sila sayo." Paliwanag ni Julz kay Jelly. (Okey dok. Basta ingat ka dyan ha. Mabuti naman at nasa maayos kang kalagayan.) Matapos maputol ang tawag ay hinayon na rin ni Julz ang paglabas ng hotel. Tinungo na rin niya ang kanyang kotse, para puntahan si Mira at Marco sa ospital. Nang makarating siya ng ospital ay pinuntahan niya agad ang mag-asawa. Kumatok muna siya bago pumasok. Nadatnan niya si Marco habang sinusubuan ng oatmeal na medyo madaming sabaw si Mira. "Hi. Good morning." Bati niya sa dalawa. "Good morning Julz." Halos panabay na wika ng dalawa. "Nag-round na ang doktor ni Mira. Kahit daw ito na lang oatmeal na binili mo na nilagyan ko lang ng chocolate powder. Okey na daw ito na ito na lang daw muna. Salamat ulit ha." Wika ni Marco. "Ano ba yan? Hindi ko na mabilang kung ilang pasasalamat na ba ang narinig ko sayo. Sa inyong mag-asawa. Di ba sabi ko naman sa inyo mahalin mo lang ang asawa mo ay okey na ako doon. Kung tutuusin, masaya ako para sa inyo. Sana dumating din ang pagkakataon na mahalin din ako ni Andrew." Halos pabulong ang huli niyang sinabi na hindi naman narinig ng mag-asawa. Nakaupo lang si Julz, at pinagmamasdan ang mag-asawa. Nang pumasok ang isang nurse at hinihingi ang pangalan ng baby. Napatingin naman si Julz sa dalawa, na buhat pa pala kagabi ay hindi pa naiibigay ang dapat pangalan ng baby. "Hmmm. Julz, hindi kasi kami nakapagpaalam sayo. Dahil kasi sayo, ligtas ang mag-ina ko. Napag-usapan kasi namin ni Mira na isunod sa pangalan mo ang pangalan ng baby namin. Nais sana naming Julian Andrea ang ipangalan kay baby kung okey lang sayo?" Nahihiyang wika pa ni Marco sa kanya. Habang si Mira ay nakikita niya sa mata na umaasa na papayag siya. "Iyon lang naman pala eh. Oo naman. Karangalan ko na magustuhan ninyo ang pangalan ko na ipangalan pa ninyo sa baby ninyo. Salamat talaga para doon. Kapangalan ko na tuloy si baby." Masayang wika ni Julz, na mas ikinasaya naman ng mag-asawa. Ang galing ng pagkakataon talaga. Julian Andrea. Parang Julian and Andrew lang ang peg. What a coincidence? Ako kaya kailan kaya kami magkakaroon ng isang Julian And--. Napatigil si Julz sa kanyang iniisip. Napatawa pa siya sa sarili dahil kung saan-saan na lumipad ang isip niya. Sinabi naman ng mag-asawa ang buong pangalan ng bata na Julian Andrea Lazaro Benitez. Tuwang-tuwa naman ang nurse dahil napakaganda ng pangalan ng baby. Nang makaalis ang nurse ay nilapitan namang muli ni Julz si Mira. Kailangan na nitong magpahinga lalo na at kanina pa itong gising. "Mira matulog ka na lang muna. Need mo na ang magpahinga. Pwede nang kumain ng kanin mamaya. Kahit kaunti lang muna. May gusto ka bang kaini---." Hindi na natapos ni Julz ang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong iyon. "Julz." Wika ng nag-aalalang boses, na hindi makuhang ikaharap ni Julz. Lalo na at alam niyang boses ni Andrew iyon. "Julz, anong nangyari sayo? Kagabi pa kitang hinahanap. Nag-aalala ako sayo. Okey ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong ni Andrew. Na hindi na nagawang ikasagot ni Julz, ng bigla na lang siyang yakapin nito. Sa sobrang higpit ng yakap ni Andrew ay halos parang ayaw na siya nitong bitawan. Ramdam ni Julz ang mabilis na pagtibok ng puso ni Andrew kaya naman kahit nahihiya siya ay niyakap niyang pabalik si Andrew. Isang tikhim lang ang nagpabalik sa kamalayan nilang dalawa kaya naman mabilis niyang naitulak si Andrew. "S-sorry. Sa labas lang muna ako. M-marco, patulugin mo muna si Mira para makapagpahinga. Lalabas lang muna ako." Natatarantang wika ni Julz kaya naman mabilis siyang lumabas at iniwan si Andrew. "Ako nga pala si Andrew. Babalik ako mamaya. Susundan ko lang si Julz." Wika ni Andrew at hindi na hinintay mag-salita ang sino man sa dalawang nandoon sa kwartong iyon at tuluyan ng lumabas para mahabol si Julz. Sa parking ng ospital ay nakita niya ang paglabas ng kotse ni Julz. Mabilis ang takbo noon. Nahabol naman niya kung saan ito nagtungo kahit malayo ang agwat ng mga sasakyan nila. Tumigil ito sa may kaliitang hotel. Nang makapasok si Julz ay saka lang lumabas si Andrew ng sasakyan niya para habulin si Julz. Pagdating niya sa front desk ay hinarang kaagad siya, ng akma siyang papasok. "Sir bawal po kayong pumasok kung hindi naman po kayo nakacheck-in." Wika sa kanya ng nasa information desk. "Kailangan ko kasing makausap iyong babae na kapapasok lang." May inis sa tono ng boses ni Andrew. "Kilala n'yo po ba s'ya?" "Magkakilala kami. I'm her husband. She's Dra. Julian Zusainne De Vega, right? S'ya ang nakacheck-in dito sa hotel na ito di ba?Here's my I.D." Wika ni Andrew sabay labas ng i.d. niya. Wala naman kasing nagtitingin ng civil status sa i.d. kaya malakas ang loob niyang ipakita. Higit sa lahat. Pareho silang De Vega ni Julz. Tatango-tango namang ibinalik ng staff ang kanyang i.d. nang makita magkapareho nga sila ng apelyedo. "Nagkaroon kasi ng misunderstanding kaming dalawa kaya umalis sa bahay. Pwede ko na bang malaman ang room number niya?" Wika ni Andrew ng iabot sa kanya ang isa pang susi ng hotel room ni Julz. Kumuha naman bigla si Andrew ng cash at iniabot sa dalawang nasa front desk. "Para sa inyo. Thank you. Need lang talaga naming magkausap ng misis ko." Masayang wika ni Andrew at mabilis na hinanap ang kwartong inuukupa ni Julz. Pagdating sa harap ng kwarto ay hindi na siya nagtangkang kumatok at binuksan kaagad ni Andrew ang pintuan. Mula sa pagkakaupo sa kama ay napatayo namang bigla si Julz na gulat na gulat ng pumasok ng kwarto niya si Andrew. "Anong ginagawa mo dito? Bakit mo pa ba ako hinanap?" May inis na wika ni Julz ng marinig ni Julz ang paglock ng pintuan ng kwarton iyon. Mabilis naman ang hakbang na nilapitan ni Andrew si Julz, at niyakap. "Ano ba Andrew!? Bitawan mo nga ako? Alam mo ba kung bakit ako umalis? Umalis ako kasi kinakain ako ng hiya. Nahihiya ako sayo, kasi sa dinami-dami ng lalaki sayo ko pa naramdaman 'to! Ikaw pa na pinsan ko ang minahal ko! Pagtawanan mo na ako. Sabihan mo na ako ng hindi maganda. Alam kong kahihiyan ako sa pamilya. Pero hindi ko na napigilan. Kaya please lang. Bitawan mo na ako. Umalis ka na!" Sigaw pa ni Julz pero hindi pa rin siya binibitawan ni Andrew. "Tinanong mo ba kung ano ang sagot ko sa mga sinabi mo? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ng marinig ko ang sinabi mong mahal mo ako? Na hindi lang basta pinsan mo." Malambing na wika ni Andrew ng biglang umiyak si Julz. "Oo! Alam ko! Alam ko na sasabihin mong nandidir---." Hindi na natapos pa ni Julz ang sasabihin ng maramdaman na lang niya ang malambot na bagay na dumampi sa labi niya. Na ikinalaki ng kanyang mga mata. Na ikinatitig lang niya sa mga mata ni Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD