Isang linggo mula ng gumalaw ang daliri ni Julz. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ito nagkakamalay. Akala ni Andrew ay makakausap na ulit niya ang kanyang mahal. Pero nagkamali siya. Nakahimlay pa rin ito at wala pa ring malay. Mula ng araw na iyon, hindi na muling pumasok sa trabaho si Andrew. Mas gusto niyang, siya ang magbabantay kay Julz. Ang daddy niya na rin ang namamahala muna sa company niya. Ang mga magulang naman ni Julz ay palaging nandoon, pati na rin ang tunay nitong ama na si Damian kasama ang asawa nito na si Lovelle. Pero pag dating ng gabi. Umuuwi na rin. Lalo na at alam ng mga ito na hindi pababayaan at iiwan ni Andrew ang kanilang anak. Madaling araw, ng maalimpungatan si Andrew, na may tumatapik sa kanyang mukha. Kaya naman unti-unti niyang ibinukas ang mga mata, sa

