Naalimpungatan ako nang makarinig ng nagsasalita malapit lang sa akin. Nang luminaw ang paningin ko ay isang matandang babae ang nakatayo sa harapan ko. Nangunot ang noo ko sa pagtataka dahil hindi ko kilala ang matandang babae na sa tingin ko ay may lahing banyaga. Naalala kong nakatulog ako sa binigay na inumin ng lalaking iyon. Napabalikwas ako ng bangon. Napatingin ako sa kinahihigaan ko. Malaki ang puting kamang kinahihigaan ko. Ang silid ay malawak at puti rin ang kulay ng pintura. Napansin kong hindi lang ang matandang babae ang nakatunghay sa akin. May katabi itong lalaki na kasing edad lang din ng babae. At may isa pa na magandang babae na sa tingin ko ay mas bata sa dalawang tander. At may isa pang matangkad na lalaki na mukhang banyaga dahil sa kulay ng mata at buhok nito. B

