Rae’s POV I can’t hold my excitement habang nag-eempake kami ng mga gamit namin. Ako pa ‘yung naunang natapos sa kanila dahil binilisan ko talaga ang pagkilos. Iniisip ko na lang ‘yung pagsakay namin ulit ng airplane back to the Philippines. Parang in no time, gusto ko na agad tumalon na lang nang minsanan upang mabilis na makarating doon. Nakangiti lang rin ako habang pasipol-sipol sa pagtutupi ng mga damit at isinisilid sa maleta. Doon ko naman napansin ang mga damit ko. Ibang iba na pala ako kung manamit at hindi na gaya nang dati, na wala man lang ka-style-style. Ang jeje ko pala noon. After arranging my things, bumaling ako sa aking salamin mula sa pagkakaupo dito sa kama. Ang laki na pala ng nagbago sa physical appearance ko, malayong malayo na sa itsura ko noon. Tumangka

