Chapter 26 "Nag-away kayo?" tanong ni Z sa akin. Siguro ay napansin niya iyon nang tumigil ako sa kakakuwento sa kanya kung ano ang nangyayari sa amin ni Jared. I admit being with him is like a roller coaster ride. Minsan nakakaexcite pero minsan din ay nakakatakot. "Hindi,” mabilis kong sagot sa kanya sabay kagat sa sandwich na kakabili lang namin rito sa cafeteria. Hindi ko matatawag na away iyon dahil wala naman sagutan na nangyari. Ako iyong umalis sa harap niya pagkatapos ng naging pag-uusap namin sa unit ko. Gusto ko lang sana magpalamig ng ulo kahit saglit pero pagbalik ko roon ay wala na siya. Naiintindihan ko naman kung ano ang ipinupunto niya sa akin pero mukhang hindi niya rin ako maintindihan sa kung ano ang gusto ko iparating sa kanya. Ang gusto ko lang naman ay sana tumig

