Genevieve's P.O.V "U-uwi ka na?" tanong sa akin ni Janice at tumango nang lumapit ang isa sa ka-grupo ko. "Ito nga lang 'yung mga kailangan kong i-research no?" tanong niya at tumango ko. Tinignan ko ang pinapakita niya sa akin at kinuha ko ang ballpen na nasa mesa ko at binilugan ang para sa kanya. "Salamat," pag-papasalamat niya. I smiled to her at muling tumingin kay Janice na nakatulala na ang tingin kay Ken na may kausap na namang babae. "Ang gwapo niya talaga..." mahinang usal ni Janice at agad ko naman siyang pinuk-pok. "Gen!" malakas na sigaw niya kaya naman napatingin sa amin ang iba naming kaklase maging si Ken ay napatingin sa akin at ngayon ko lamang siya nakitang nagtapon ng tingin sa akin mula kanina! Umiwas ako nang tingin sa kanya at nag-salita si Janice. "Pasensya

