Ashanti's P.O.V
"Where are we?" takang tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid.
I saw all the fairies wondering around me. The bright of the sun directed to us as well as the flow of the wind wavering my hair.
"Cuarvaddia Cave," simpleng sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
"Ha?" takang tanong ko at natawa naman ito at hinigit ako upang makaupo sa isang bakanteng upuan.
"Napanaginipan ko ang lugar na 'to hindi ko rin akalain na totoo nga ang lugar na ito," sambit niya at bakas sa boses niya na namamangha rin ito sa nakikita.
Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha sa ganda nito?
"May mga panaginip rin na nagkakatotoo, lalo na kung isang bathala," sambit ko at agad ko naman siyang nilingon ng nanlalaki ang mga mata nang ma-realize ko ang sinambit ko.
"Huwag mo akong titignan nang ganyan Ashanti, mali 'yang naiisip mo," sambit nito kaya naman agad kong naitikom ang bibig ko at tinignan muli ang kapaligiran at muling namangha.
We stayed there for an hour just looking at this beautiful place. Hindi ko talaga akalain na may ganito kagandang lugar dito.
"T--tulong" agad akong napatayo nang makaranig nang isang tinig hindi kalayuan kung nasaan kami ngayon.
"Narinig mo ba yun?' tanong ko kay Jayvee at napatango naman siya, at muli naming pinakiramdaman ang paligid.
"Tulungan niyo ako," dinig kong sambit muli nang babae.
"I know where is she," sambit ni Jayvee at tumakbo ito kaya naman sumunod ako sakanya hanggang sa makarating kami sa isang mataas at mukhang abandonadong gusali.
Agad naming pinasok ang gusali na iyon at agad naman akong hinawakan ni Jayvee at nagteleport kami papunta sa kung saan ako dalhin ni Jayvee.
Bumungad sa akin ang madilim na kapaligiran hanggang sa unti unti na ring lumiwanag ngunit hindi parin ganoon kaliwanag.
"Hello?" saad ko.
"Tulong! Tulong!" agad kaming tumakbo at nakita namin ang babaeng nakahandusay habang nakatakip nang panyo ang kanyang mata.
"Sino kayo? huwag ninyong tatangalin ang nasa mata ko kung ayaw niyong maging bato," sambit niya.
"Sino ka? pwede ba namin alisin ang tali sa kamay at paa mo?" sambit ko at tumango naman ito. Nagtulungan kami ni Jayvee para maalis ang tali sa kamay at paa nito ramdam narin namin ang nanghihina niyang katawan maging ang kapangyarihan nito.
"Maraming salamat..." mahinang sambit nito at nawalan nang malay. Agad naman siyang nasalo ni Jayvee.
"Miss?" sambit ni Jayvee at mahinang tinapik ang babae.
"Dalhin na lang muna natin siya sa Crestview, kailangan din natin magamot ang sugat niya," sambit ko at sumangayon naman si Jayvee.
Agad kaming nagteleport kasama ang babae. Agad kong binuksan ang office ni Mrs. Siorsogo.
"Jayvee and Ashan-- Anica!" sambit ni Mrs. Siorsogo at tinulungan si Jayvee na alalayan ang babaeng tinawag niyang Anica.
"Mission completed," sambit ni Mrs Siorsogo na nagpakunot sa noo ko. Anong sinasabi ni Mrs. Siorsogo?
"What do you mean Mrs, Siorsogo?" nagtatakang tanong ni Jayvee sakanya. Nanatili akong tahimik habang inilalapag nila nang ayos si Anica sa higaan.
"She's the girl your finding in your mission, how did you find her?" tanong ni Mrs. Siorosogo.
"I dreamed last night about a random place I go there with Ashanti and we didn't know that she's also there," sagot ni Jayvee at kita ko ang gulat sa mukha ni Mrs. Siorsogo.
"You dream?" gulat na sambit ni Mrs. Siorsogo. Napangisi ako because we have the same reaction nung malaman naming nananaginip si Jayvee.
Ang mga Alchemyst ay walang kakayahang managinip depende na lamang kung ikaw ay bathala. Sa pagkaka alam ko ay maging ang mga tao ay nananaginip ngunit hindi kasing linaw nang panaginip nang mga bathala at lahat nang panaginip nila ay nagkakatotoo.
"Yes Mrs. Siorsogo," sagot ni Jayvee kay Mrs. Siorsogo magsasalita na sanang muli si Mrs. Siorsogo nang marinig naming nagsalita si Anica.
"Ma'am Emily?" tanong ni Anica habang nakatingin kay Mrs. Siorsogo agad namang yumakap si Anica sakanya nang tumango sakanya si Mrs. Siorsogo upang makumpirma na siya nga iyon.
Mukhang malakas ang pakiramdam nitong Anica, dahil kahit nakapiring ito ay nagawa parin niyang maramdaman si Mrs. Siorsogo.
"Thank you for bringing Anica here, you may now go to your dorm," sambit ni Mrs. Siorsogo.
"Thank you," dinig naming sambit ni Anica at napangiti naman ako bago kami lumabas ni Jayvee sa office ni Mrs. Siorsogo.
"You go first, I have something to do," sambit ni Jayvee at napatango naman ako.
"Okay, take care," sambit ko at hinayaang maglaho si Jayvee sa harapan ko.
--
Maaga akong gumising na masakit ang buong katawan ko dahil narin sa pagkakahiga sa semento at ramdam na ramdam ko pa ang lamig nito.
Mahina ang katawan ko pagdating sa lamig kaya naman nag unat ako nang mabuti nang--
"Aray naman!" sigaw ni Leth at napatingin ako sakanya habang hawak hawak niya ang ilong niya na natamaan ko.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag u-unat. Ngayon ay submission nang potion na ginawa namin. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil baka mali ang pagkakagawa ko no'n.
"Ang sakit nang ilong ko!" hasik ni Leth.
"Masakit ang katawan ko! bat ba naman kasi ang arte arte mo? parehas naman tayong babae!" sambit ko.
"I'm not maarte! You called this alagang alaga tse!" sambit niya at umalis sa kama at nagpunta nang comfort room.
"Bilisan mo jan at papasok ako!" sigaw ko at hindi ko alam kung narinig pa ba niya iyon.
Napabuntong hininga ako at kinuha ang ginawa naming potion kahapon ni Jayvee at pinagmasdan iyon.
Sana naman maging succesfull ang potion na ito, hindi ko pa ito nasusubukan pero sana naman ay epektibo dahil kung hindi babagsak ako.
Ilang minutong paghihintay kay Leth ay sa wakas lumabas din ito nang comfort room. I do all my doings before going out my room at nakita ko pang naroon si Alyza at Alzea na nanonood sa hologram.
"Good morning!" bati ni Alyza at binati ko rin naman siya pabalik. Ngumiti rin sa akin si Alzea nang ngitian ko ito.
"Let's in to our class together, the boys went first because Mrs. Siorsogo called them," sambit ni Alyza. I nodded.
We arrived to our class saktong papasok narin sa loob si Mrs. Madrigal at naroon narin sina Jayvee at Ken maging ang iba pa naming kaklase.
Ken look at me while grinning his teeth, napairap naman ako at umupo na sa upuan ko.
"Goodmorning everyone, how's your assignment?" sambit ni Mrs. Madrigal.
Inilabas ko ang ginawa kong potion maging ang mga information na nakalap ko na nakalagay sa isang folder.
"I want to try your potion miss Blood," sambit ni Mrs. Madrigal kaya naman kinakabahang nilingon ko siya at nahihiyang ngumiti.
"Why m-me..." mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Of course Ashanti, your a transferee I need to know your ability in making potions, making potions and gathering ideas is very useful to use especially when your body is weak and when the place is surrounded with magics wherin powers can't be used," sambit ni Mrs. Madrigal kaya naman napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya hawak ang potion maging ang envelope.
I handed the envelope to Mrs. Madrigal first, kinuha naman niya iyon at itinabi, nagtatakang tumingin ako sakanya.
Hindi niya ba muna titignan iyon kung tama ang pagkakagawa ko?
Inilahad niya ang kamay niya sa akin, saglit akong napatingin doon bago ko makuha ang gusto niyang mangyari kaya naman inilagay ko sa mga palad niya ang ginawa kong potion at hindi man lang ito nag alinlangan na inumin iyon.
Mrs. Madrigal eyes changes into color yellow naramdaman ko ang biglaang paglakas nang enerhiya ni Mrs. Madrigal kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti dahil naging succesfull ang ginawa kong potion. This will be my great achievement.
"Passed."
Muli akong bumalik sa kinau-upuan ko at nagpasa narin sina Ken, Jayvee, Alyza, at Alzea nang kanilang project.
The classes went smoothly, naglalakad na kami ngayon nila Alyza, Alzea papunta nang canteen. Si Ken at Jayvee naman ay hindi namin kasama ngayon dahil pinatawag sila nang Class Z+
"The Jade A+ is here!" rinig kong bulong bulungan sa paligid.
"Where is Jayvee and Ken?" dinig kong ani pa nang isang babae habang patuloy kaming naglalakad sa upuan namin na hindi inuupuan nang kahit sinong alchemyst na naririto.
Sa pagkaka-alam ko ay ang mga may matataas na ranggo dito sa crestview ay may sariling mga pwesto at hindi sila hinahayaang makihalubilo sa ibang alchemyst. Hindi ko alam kung anong dahilan ngunit iyon ang pagkaka alam ko ayon na rin sa pagkalap ko nang mga impormasyon noon.
Akala ko noong una ay magiging normal lamang akonh alchemyst dito.
Hindi ko akalain na mapupunta ako kaagad sa mataas na ranggo.
"I'll order. What do you want Alzea? Ashanti?" tanong samin ni Alyza.
"I want spaghetti," sagot ni Alzea.
"And you Ashanti?" tanong ni Alyza sa akin.
"Biscuit and juice," maikling sagot ko at ngumiti.
"Final?" pagkumpirma niya at tumango naman ako.
Naiwan kaming dalawa ni Alzea sa table, tipid akong ngumiti sa kanya at hindi naman ito ngumiti kaya itinuon ko na lamang ang tingin ko sa paligid.
"What did you see in Lucianna's?" she asked kaya napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?
"The day that Alyza and Lucianna caught, what did you see?" sambit niya at nalinawan naman ako sa ibig niyang sabihin.
Biglang bumalik sa ala ala ko ang ginawang katanghan ni Ken. Ang mokong na yon! nagawa pa akong paglaruan, nakakadiri.
"The girl and the boy talked to her, that once we find the girl, our world is in danger," sambit ko, at bakas sa itsura niya ngayon ang pagka-gulat.
"Their names?" tanong niya.
"Jerhard and Ruby," sambit ko at saktong dumating na din si Alyza, bitbit ang mga inorder naming pagkain kaya naputol na rin ang pag uusap namin ni Alzea.
"Maybe your now in the good terms?" natatawang tanong ni Alyza at inilapag sa tapat namin ang order namin.
"And so?" masungit na sambit ni Alzea at nag umpisa nang kumain.
"So, it's a good news isn't?" sagot ni Alyza at nag umpisa naring kumain kaya, nagsimula narin akong buksan ang biscuit na binili ni Alyza.
"Good news your face, just eat!" sambit ni Alzea at tinawanan lang siya ni Alyza.
Natapos kaming kumain at muling nag patuloy ang klase, nakakaramdam din ako nang antok habang nakikinig sa science lecture.
Hindi ko naman hate ang science pero sadyang inaantok ako sa hindi ko malamang dahilan.
Agad akong napatayo nang maramdamang may kumiliti sa tagiliran ko.
"Miss Blood? What are you doing?" sambit ni Mr. Carl.
"Huh?" sambit ko at tumingin sa likuran ko nang makita ko ang pagmumukha ni Ken na nakangisi sa akin na nakalagay pa ang baba niya sa kamay at nakatukod ang kamay niya sa lamesa.
"I'm sorry Mr. Carl."
"It's fine take your seat," sambit nito kaya umupo ako at masamang tinignan si Ken.
"Humanda ka sa'kin mamaya tangina ka!" nangigigil na sambit ko sa kanya using our mind link.
Inis akong nakinig sa tinuturo ni Mr. Carl at hindi ko na muling naramdaman pa ang pag ka antok dahil mas nangingibabaw ang inis ko kay Ken.
"Good bye Jade A+" sambit ni Mr. Carl at lumabas na nang classroom agad akong tumalon at hinigit ang buhok ni Ken nang makalabas si Mr. Carl.
"You idiot!" sigaw ko.
"A-- Ouch! Ashanti!" sigaw niya at tinatapik ang kamay ko.
"Lintek ka! bagay lang sayo- hayst! Damn you! Damn you! Fvck this english language! I can't say what I wanted to say!" inis na sambit ko at nakarinig ako nang tawanan sa paligid at maging si Ken ay natawa kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagsabunot aa buhok niya.
"Ashanti, it hurts!" sigaw ni Ken kaya naman hinigpitan ko muna lalo bago ko bitawan ang buhok niya.
"Don't show me your face, I will kill you if you will!" sambit ko at nagmadaling lumabas nang classroom.