Genevieve's P.O.V "Nasa Crinofleia na sila, tara na." sambit ni Ken sa amin kaya naman agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa ilalim ng puno. "Hayst, sakit ng batok ko." mahinang reklamo ko at iginilid ng kaunti ang leeg ko at minasahe ang batok ko ng maramdaman ko ang paglapit sa akin ni Ken. "Huwag kang lumapit sa akin." banta ko sa kanya kaya naman agad siyang napahinto. "Ano bang problema mo sa'kin?" tanong niya at lumapit ako kay Daniel. "Tara na mahal na prinsipe." anyaya ko sa kanya. He just nodded a bit and we walked away at nagpunta sa lugar kung saan namin iniwan ang sasakyang pandagat na sinakyan namin. Naabutan pa namin doon si Luis, Sheherazade at ang babaeng ngayon ko lamang nakita, maybe she is Chime? "Nasaan si Sabrina?" tanong ko sa kanila ng hindi ko makita ku

