The drop-out letter
Therbie's PoV
Tinamaan ko sa tiyan ang isang lalaking sumugod sa akin at iyong papalapit ay saktong nasipa ko sa tuhod at pagkatapos ay siniko ko ang batok niya kaya nakatulog. Pagkatapos noon ay tiningnan ko ang dalawang lalaki habang tumatayo sila. I was on guard and ready to fight them again, when they all run away from me. Hindi ko na naman sila hinabol dahil sa totoo lang ay medyo napuruhan ako sa tagiliran ng isang lalaki at baka hindi ko na sila malabanan ng maayos.
Itinaas ko ang t-shirt na suot at tiningnan ko ang tagiliran kong napuruhan at napangiwi ako sa hitsura noon. It's swollen already and if it bumps to an object, it will bleed. Pagkatapos ibaba ng t-shirt ay sapo-sapo ko ang tagiliran ko habang pasakay sa sasakyan ko na hinarang kanina.
Alam kong ang mga lalaking iyon ay tauhan ni Jerome Salcedo at mukhang seryoso nga ito na saktan at idamay lahat ng mga taong may kinalaman kay Belle, at kung kilala niya ako at si Boss D., alam niya rin na mga secret agents kami.
???: "Kaya ka natamaan sa tagiliran ay dahil marami kang iniisip at nawala sa isip mo ang mga kalaban kaya nagkaroon ang mga ito ng pagkakataon para mapuruhan ka. Tsk, tsk, you should be always on guard when you're in a mission and especially when you're in a close-combat."
Bago pa ako makapasok sa sasakyan ko ay narinig ko iyong boses ng babaeng matanda na. Kaya agad akong napalingon sa likuran ko, kung saan ko narinig ang boses, at nakita ko ang isang matanda na nasa 60's na ata. Pero sa pagkaka-tindig nito, parang wala pa naman ito sa ganoong edad.
Shit! May nakakita sa akin kanina! How can I be so careless?
Nagkunwari akong walang narinig pagkatapos ay akmang papasok na sa kotse pero bago ko gawin iyon ay narinig ko na naman siyang nagsalita.
???: "Never ever ignore what the elders says, Agent JT."
I suddenly look at her direction and all I saw was a black sedan driving away.
Sumakay muna ako sa kotse at agad pinaharurot ito papuntang Salcedo University. Pero habang nag-d-drive ako ay napapaisip na ako ng seryoso sa kung sino ang matandang iyon at mas nakakapag-alala sa akin ay kilala niya ang agent code name ko. Ang maaari lang makaalam noon ay ang buong agents ng BDA at ang mga iilang organisasyong sangay ng BDA. Kahit ang mga pulis ay walang alam sa aming mga agents, except kay Boss.
Kalaban ba siya? Pero parang hindi naman. But who knows?
I'd better move fast and report this to Boss.
***
Salcedo University
When I arrived at the front of the entrance gate, agad kong nakita sina Kyoko at Alchris na mukhang kanina pa dito at hinihintay si Selene. Si Kyoko kasi ang naatasang maging agent na bantay sa kaibigan ni Belle at si Chris, malamang napasama lang dahil hindi naman napaghihiwalay ang mga iyan.
Therbie: "Kyoko. Chris!"
I called out for their attention at agad naman silang napalingon sa akin. As usual, Kyoko gave me a big smile and Chris, well, he just faintly smile. Malapit na rin talaga at magkaka-pareho na sila ni Belle na tahimik at hindi pala-ngiti.
Kyoko: "You also sundo Ate Selene?"
Therbie: "Haha, baluktot ka pa rin managalog. Anyway, No, i'm not here for that. I would give something to the principal of this school. You know.."
Alchris: "Ah, alam ko nga 'yan. Bakit hindi siya mismo ang magbigay niyan?"
Therbie: "Because she doesn't want her brother and her other friend, Ambia, to see her. Mahihirapan siyang layuan ang mga ito kapag nagkataon. Alam niyo naman na may mga matang nakamasid sa bawat galaw niya sa paligid."
Kyoko: "Speaking of that, we were in a fight earlier with three masked guys. Good thing I have my honey with me that's why we defeated them easily."
Hindi lang pala ako ang napalaban. Pati pala sila.
Alchris: "You were in a fight just now, weren't you?"
Therbie: "How did you know?"
Alchris: "Hawak ka ng hawak sa tagiliran mo e at napapangiwi ka. napuruhan ka pero hindi naman nagkasugat kundi nagpasa lang, tama?"
Napatango nalang ako dahil tama naman ang sinabi niya. Nakalimutan ko nga palang observant si Chris, perks of being the silent type in the group. Nabakas ko naman agad ang pag-aalala ni Kyoko at lalapitan niya sana ako at hahawakan ang tagiliran ko pero hinarang ko agad ang kamay ko at nginitian ko siya.
Therbie: "I am Ok, Kyoko. This is nothing, don't worry."
Kyoko: "Are you sure, Nii-chan?"
Therbie: "Yes, I am. But you should be careful from now on. Huwag kayong maglabas ng baril o kahit anong armas ninyo nang basta-basta lang dahil hindi natin alam baka may nagmamasid sa atin. Baka nga may nakikinig sa pinag-uusapan natin ngayon e. Do you understand me?"
Kyoko: "Yes, Therbie-nii.
Alchris: "Yeah."
Pagkatapos nang usapan namin ay tahimik nalang kaming naghintay. Hindi rin naman nagtagal ay nagbukas na ang gate at maraming estudyante na ang nagsi-labasan, at kalaunan ay nakita na namin si Selene pero hindi siya nag-iisa dahil kasama niya si Ambia, pati na ang buong Red Eagles gang. Including Belle's older brother, Pete.
Selene waved at us, and then she went to us, with Ambia. Nakakunot itong nakatingin sa amin, lalo na kay Kyoko.
Selene: "Hi, guys! Kanina pa ba kayo?"
Kyoko: "Not really. I think 30 minutes lang?"
Selene: "Ihh kanina pa nga kayo. Sorry naman daw. Ay nga pala,"
Hinila ni Selene sa harapan namin si Ambia.
Selene: "Guys! This is my bff, si bansot--este Ambia. Ambs, sila iyong mga new friends ko. Si Kyoko, her boyfriend Alchris, and Therbie!"
Imbes na ngitian kami nito ay tiningnan nito ng masama si Selene na nakangisi lang na parang nag-s-sorry tapos binalingan niya kami ng tingin ng hindi pa rin ngumingiti pero hind na naman nakasimangot.
Dahil sa akto niya ay alam kong nakaramdam sina Kyoko at Selene ng awkwardness sa paligid kaya ang ginawa ni Selene at hinampas niya sa likod si Ambia.
Ambia: "Aray! Ano ba, Selene?! Ang sakit!!"
Selene: "Sorry naman. Ang isnabers mo kasi e."
Tumingin sa amin si Selene na parang humihingi ng pasensya kaya nginitian ko lang siya. Si Alchris tahimik lang naman sa isang tabi at si Kyoko naman ang nakasimangot ngayon. Ganoon ang nagiging hitsura niya kapag alam niyang ayaw sa kanya ng isang tao.
At mukhang ayaw nga sa kanya ni Ambia, hindi lang ata siya, pati kami rin ayaw niya.
Ambia: "Nandito na ang sundo ko. Sasabay ka na ba sa 'kin, Sels?"
Umiling si Selene at saglit na nilingon kami.
Selene: "Ah, hindi na, Ambs. Mag-h-hang out kami ng mga new friends ko e. Sama ka?"
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Hindi niya na ba natatandaan ang rules na sinabi sa kanya ni Boss? Pasasamahin niya si Ambia sa amin, alam niya naman kung saan kami pupunta.
Tatawagin ko na sana siya pero bigla niya kaming nilingon at kinindatan sabay tingin ulit kay Ambia.
Ambia: "No thanks. I'm still recovering so I need to rest. Ingat nalang sa pupuntahan ninyo."
Pagkasabi noon ay sumakay na ito sa sasakyang sundo nito at kalaunan ay nawala na ito sa paningin namin. Lumapit ulit si Selene sa amin at natawa ako noong marahang paluin ni Kyoko ang balikat nito.
Kyoko: "You got us surprised out there, Selene-nee! Don't do that again."
Selene: "Hahaha. Alam ko naman ang magiging sagot ni Ambia kaya nga sinabi ko iyon e. Don't worry hindi pa naman ako nakakalimot sa usapan. anyway, Therbie, what brings you here?"
Ito na siguro ang oras para ibigay ang letter na nasa bulsa ko.
Therbie: "Selene, may I ask you something?"
Selene: "OH-EM-GEE! Are you asking me out?! OMG--"
Therbie: "H-hindi iyon, Selene. G-gusto ko lang sana itanong kung pwede mo ba akong samahan sa Principal? May ibibigay ako e. Iyong letter."
Nanlalaki ang mga mata nito at napayuko pa na parang napahiya. Pero agad rin itong nag-angat ng tingin at nakakunot pa ang noo hanggang sa manlaki ulit ang mga mata nito. She looks so cute when she does that. Iyon siguro ang nagustuhan sa kanya ni Troy. I knew my brother's looks when I asked for Selene to come with me, last saturday. Masyado kong kilala ang mga kapatid ko.
Kasalukuyan nga akong binibigyan ng seryosong tingin ng kapatid ko, akala niya siguro hindi ko siya napapansin. Alam ko ring tinitingnan ako ni Joseph at ng kapatid ni Belle kanina pa.
Selene: (Bulong) "Oh-my! Ayan na ba iyong 'drop-out letter' ni Belle?"
Therbie: "Oo. Kaya nga nandito ako e. Sabi ni Belle ngayon ko na raw ibigay."
Selene: "Hmm.. ang Principal ba kamo?"
Tumango ako. Parang nag-aalangan pa itong sabihin sa akin ang kung anumang sasabihin niya pero binalingan niya ang REG at balik sa akin.
Selene: "The principal for now, is Joseph. Kung gusto mo, sasamahan kita sa kanya para ibigay ang letter na iyan."
Therbie: "Please do. It'll be appreciated."
Akmang maglalakad na kami papunta sa REG pero laking gulat ko noong sila ang papalapit sa amin, sa pangunguna ni Joseph at Pete.
When they get near us, Pete looked intently at me and I can't help but to get tensed to his scrutinizing look.
Renz: "Kuya, bakit ka nandito? Susunduin mo na naman si Selene? Ano bang kailangan mo sa kanya?"
Pete: "Ang sabi ni Joseph, ikaw raw ang boyfriend ng kapatid ko. At hindi ko alam na ikaw rin pala ang kapatid ni Renz. Pwede mo bang sabihin kung nasaan si Belle? Bakit hindi na siya pumapasok?"
Wala akong mahagilap na sagot sa isip ko kaya't ang ginawa ko nalang ay yumuko at manahimik. Napamulagat ako ng may kumuha ng letter sa bulsa ko, si Chris, at binigay niya ito ng walang pag-aalinlangan kay Joseph.
Joseph: "Ano 'to?"
Alchris: "See for yourself, Mr. Principal."
Nakikita naming lahat ang pagbubukas niya sa sulat na iyon at noong binabasa niya. Unti-unti itong napapakunot at noong matapos ay agad akong nilingon nito at sumunod kay Pete.
Joseph: "This is a drop-out letter, from Belle."
End of PoV
Selene's PoV :
Nakoo!! Mukhang may mangyayaring hindi maganda. Ang sama na ng tingin ni Kuya Pete kay Therbie lalo na noong marinig nito na kay Belle galing ang drop-out letter.
Pete: "Bakit mag-d-drop out si Belle? Nasaan ang kapatid ko, Romero?"
Therbie: "Pasensya na pare, pero hindi ko masasagot ang tanong mong iyan. Belle--"
Napatatda ako sa ginawa ni kuya Pete kay Therbie. Sinapak niya ito pagkatapos ay kinuwelyuhan.
Pete: "Anong hindi mo masasabi? Bakit hindi mo sasabihin e kapatid ko iyon! Nasaan si Belle!? NASAAN?!"
Renz: "P-pete, dude, tama na iyan. Baka naman walang alam si kuya kung nasaan si Belle."
Pete: "Anong wala, Renz?! E halata namang pinagtatakpan lang ng kuya mong ito kung nasaan ang kapatid ko e! Nasaan si Belle!?"
Sinapak ulit ni kuya Pete si Therbie ng wala itong sabihin. Hindi rin ito lumalaban at tinatanggap lang ang pananakit ni kuya. Nasa gilid ko naman sina Alchris at Kyoko, inaawat ni Chris si Kyoko dahil gusto na nitong umawat. Naririnig ko pa nga ang sinasabi ni Kyoko.
Kyoko: "He can't do that to Therbie-nii! He's tagiriran was hurt, honey! Please let me do something."
Tagiriran? Or kung i-t-translate ko iyon, not in a nihongo accent, Tagiliran iyon 'di ba? At parang sinasabi ni Kyoko na may dinaramdam sa tagiliran si Therbie?
Nag-alala ako sa narinig ko kaya ang ginawa ko, noong akmang susuntok pa ulit si kuya Pete ay gumitna na ako, humarang ako sa harap ni Therbie. Napapikit pa ako noong palapit na ang closed fist ni kuya Pete. Noong wala naman nangyari sa akin ay tsaka lang ako dahan-dahang nagmulat ng mata at nakita ko ang pananahimik nilang lahat.
Tiningnan ko si kuya Pete, na parang nagtataka sa ikinilos ko, at sa puntong iyon, hindi na ako nakangiti at nakikipagbiruan.
Pete: "What's the meaning of this, Selene?"
Selene: "Kuya Pete, totoo ang sinabi ni Therbie. Ayaw ni Belle ipaalam kung nasaan siya, kaya sana hindi ka magalit kay Therbie dahil totoong napag-utusan lang siya. If you're worried about Belle, don't be. Ako na ang nagsasabi, maayos siya ngayon."
Sa akin lumipat ang mga tingin nina Joseph, Xander at ni Renz, habang si kuya Pete ay masama pa rin ang tingin kay Therbie at noong bumaling sa akin ay parang may napagtanto ito.
Pete: "May alam ka dito, Selene?"
Renz: "Oo nga naman. Ibig-sabihin totoong kilala ni Kuya si Belle at alam niya kung nasaan ito ngayon?"
Wala akong sinagot sa mga tanong nila. Ang ginawa ko ay binalingan sina Kyoko, Alchris at Therbie. Hinila ko nalang si Therbie para makaalis na kami.
Selene: "Pasensya na, kuya Pete.
Nasabi ko sa huling pagkakataon bago ako sumama sa kotse nina Kyoko at Alchris at nakita ko ring sumakay na si Therbie sa kotse niya at mabilis na pinasibad iyon palayo.