Trigger 04 - Almost

2128 Words
Almost Joseph's PoV : I am on my 2nd can of beer pero imbes na mag-enjoy ako sa pag-inom ay namimilipit ang tiyan ko sa sakit at parang nahihirapan pa akong i-straight ang likod ko kaya ilang curses at mura na ang nasabi ko sa babaeng iyon sa isip ko. Sobrang perwisyo nito kaya talagang magbabayad siya. After I drink my beer, I heard a sudden noise coming from the outside. I expected na sina Xander at Renz ang dumating pero mali ako dahil isang lalaki ang pumasok sa kwarto na talagang mas namo-mroblema pa kesa sa 'kin. He looked at my direction and I saw his forehead knotted, maybe because of my situation or my stance. Joseph: "Yo! You wanna drink?" ???: "Nah. What happened to you?" Joseph: "Wala. May dumale lang sa 'kin. Ikaw kamusta na paghahanap?" ???: "Still no progress. Nawawalan na nga ako ng pag-asa pero may nag-uudyok pa rin sa akin na ipagpatuloy kahit na parang.. tsk. Ayokong isipin iyong masamang bagay na iyon e.  Inakbayan ko siya at sabay pa kaming uminom ng beer-in-can na kinuha niya sa mini-ref ko. Siya nga pala ang isa pang miyembro ng REG, at ang second-in-command ko, Si Pete Johanne Meyer. Though he's older than me by a year and two years from the other two. Natapos na rin siya kesa sa amin sa pag-aaral at kasalukuyang tumutulong sa business ng pamilya niya despite his age, 19, he's a promising business man already.  I heard him sighed again and again, because he has a problem. Not in terms with the business but it has something to do with his family. Like me, his life was also f****d up but definitely not as I do. Nawawala kasi ang kapatid niyang babae na ang pangalan ay 'Clementine' at apat na taon niya nang ipinahahanap ito.  Kaya nga nasabi kong problemado rin iyan e kaya hindi masyadong nakakatambay dito. Pero kahit na ganyan na problemado, nakakasama pa rin siya kapag may laban ang REG. He's a good friend. Joseph: "'Wag mong isipin iyan p're. Maniwala ka sa itaas. Oo ganito man ako pero naniniwala ako sa kanya, p're. You should, too." Pete: "Thanks Joseph, I appreciate that. Maiba lang tayo, sino naman ang dumale sa'yo? Mukhang malakas iyan ah. You got it bad, dude."  Joseph: "I am! And that's because of a fuckin' girl." Nanlalaki ang mga matang lumingon siya sa akin. Hindi ko siya masisisi, ngayon lang may pumatol sa akin sa sarili kong teritoryo at ang masakit pa doon, BABAE pa. Pete: "A girl?! Pare, nagpatalo ka.. babae?! Seriously?" Joseph: "Do I look like i'm fuckin' joking?! Tsk! Kaya nga pinahahanap ko ang impormasyon ng babaeng iyon para makaganti ako agad. Hindi pwedeng iwan ko siyang nagsasaya. Bibigyan ko siya ng school year na hindi niya makakalimutan." Pete: "Sigurado ka gaganti ka?" Joseph: "Oo! Hindi pa ba halata?!" Pete: "Gaganti ka sa kalagayan mong iyan? Kaya mo? E para ka na ngang matandang uugod-ugod dyan e." Joseph: "Ulol! Lumayas ka na nga! Tsk." Tatawa pa ang gago, tsk. Sana mabilaukan siya dyan bwiset. Pagkatapos naming magbangayan ay parehas rin kaming natahimik at sumimsim nalang ng beer at parang gago rin na sabay kaming napabuntong-hininga. Parehas problemado lang.  Napabalikwas kaming dalawa nang pumasok si Xander at kasunod nito si Renz. At may dala silang mga bag. Mukhang magka-cutting sila sa last period ah? Sa aming tatlo, silang dalawa na ang mas masipag kesa sa 'kin. Madalas akong mag-cut ng class kasi nabo-bored ako. Xander: "Oh, Pete! Pete: "Oh bakit parang nakakita ka ng gwapong multo dyan?"  Xander: "Mayabang kamo." Renz: "Payabangan na naman pala e. Pete, dude kamusta na ang business?" Pete: "Going smoothly, my friend. Kayo naman kamusta ang studies?" Renz: "Doing fine. Anyway, Jo, We gather the info." Xander: "Although I must say, that girl is so mysterious. Wala siyang masyadong information na naka-labas sa Student Infos ng SU, maliban nalang sa basic info niya." Joseph: "Wala akong paki! Sabihin niyo ang nalaman niyo." Renz: "Ok, Ok, impatient, are we." Naglabas si Xander ng Laptop at matapos magkutkot ay nakaharap na ito sa amin. Nananahimik lang naman si Pete sa tabi ko pero alam kong nakikinig iyan. Baka nga kapag nalaman niyan ang pangalan ng babaeng iyon mauna pa siyang rumesbak kesa sa 'kin. Xander: "Her name is Belle Clementine Meyer, 17 years of age. That's it--" Pete: "WHAT DID YOU SAY?! What was the name?!" Napapalatak ito habang nakatayo kaya nagtaka kami sa kinikilos niya. Maging si Xander at Renz ay nagtataka kay Pete. Hindi pa man nakakasagot sa tanong si Xander ay umalis na si Pete at naiwan kaming nagtataka doon. Joseph: "Sundan niyo nga iyon. Baka magwala e." Renz: "I don't think he will do that. Parang may ibang problema e." Xander: "At ngayon ko lang na-realize.. That girl's surname is Meyer. Baka magkamag-anak sila? Perhaps his long-lost sister?" Doon ako napaisip. Oo nga, hindi malabong ang hinahanap ni Pete at ang babaeng nanununtok ng pan-lalaki ay iisa dahil sa magka-apelyido ito. At naalala ko rin na ang pangalan nung babae ay 'Clementine'. That is too much of a coincidence.  Xander: "Susundan ko. Mag-inom ka nalang ulit dito Jo. Renz, tara!" Agad na umalis ang dalawa kaya naiwan na naman akong mag-isa. Ngayong napag-isa ako at napaisip.. paano ako gaganti kung kapatid iyon ng kaibigan ko?! s**t! Hindi ko pwedeng galawin iyon at baka ako ang mapatay ni Pete.  End of PoV Pete's PoV : Hindi na ako nag-aksaya ng oras, nawalan na rin ako ng time mag-isip kasi gusto kong mahanap ang kapatid ko. Alam ko siya na iyon dahil sobrang coincidence na kung ka-pangalan lang. I searched every rooms of the University at kahit na nakakaistorbo na ako ng klase wala na akong pakialam. Maya-maya lang ay naramdaman kong may dalawang taong sinusundan ako na alam ko naman kung sino kaya hindi na ako nag-abalang tumingin pa. Xander: "Sandali, Pete! Nakita namin siya kanina sa building ng BSBA. Sa Fourth floor." Pete: "Thanks, guys!" Renz: "Later when we find her." Agad na kaming tumakbo papuntang building ng BSBA sa fourth floor, alam kong tagaktak na ang pawis ko at wala na iyong dignified businessman Pete Meyer na madalas makita ng mga tao pero wala akong pakialam doon dahil mas kailangan kong maging simpleng Pete lang, ang kuya ni Clementine. I'm gonna tell mom as soon as possible when I found Clementine. I'm sure she'll be so happy. Nakarating kami sa nasabing floor at saktong labasan na ng mga estudyante kaya inisa-isa kong tingnan ang lahat until I got a glimpse of two familiar ladies laughing and teasing each other. It's been a while since I last saw them and I never knew na dito sila nag-aaral. Pete: "Selene! Ambia!" Sabay na lumingon ang dalawa na parang hinahanap ang tumawag sa kanila hanggang sa makita ako ni Ambia at nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito. Ambia: "Kuya Pete?!" Selene: "Saan, saan?" Ambia: "Ayun oh sa harap! Napatingin na rin si Selene sa akin at katulad ni Ambia ang reaksyon nito nung makita ako. Unexpected naman kasing pagkikita ito. Noong huling nakita ko ang dalawang ito ay almost four years na rin, noong tumulong sila sa paghahanap sa kapatid ko.  Nilapitan ko sila at may hinahanap pa akong kasunod nila pero wala.  Ambia: "Si Belle po ba ang hinahanap mo, kuya? Alam mo na po na nandito siya nag-aaral? How?" Selene: "Stop asking questions Ambs, let him talk." Ambia: "Ok, sorry naman." Pete: "Yes, thank you Selene. Ibig-sabihin nakita niyo na pala si Belle? Nasaan na siya?" Nagkatinginan ang dalawa kapagkuwan ay parehong napailing ito at nagkibit-balikat pa. Selene: "Bigla nalang kasi siyang umalis after the second to the last period. Ite-text sana namin kung nasaan na siya kaso wala naman kaming number niya kaya ayun, nga-nga." Napahinga ako ng malalim at napasipa pa sa hangin. Bakit hindi mo pa pinapakita sa akin ang kapatid ko? Kung maaga pa sana akong nagpunta dito di sana kanina pa kami nagkita ni Clementine at kanina pa kami nakauwi sa bahay at napasaya ko na sana si Mama.  Xander: "Oh Pete, nahanap mo ba?" Napalingon ako kay Xander na hinhingal pa kasunod si Renz na ganoon rin ang ginagawa. Magsasalita na sana ako ng biglang ang dalawang babae ang nagsalita. Selene: "These two..!!" Ambia: "Sila iyong mga nakakatakot na bullies kanina kasama ng leader nila! Ano, kukunin ninyo na naman kami?! Kuya Pete inaway kami niyan kanina!" Sumbong ng dalawa sabay tago sa likuran ko. Bigla naman nagpaliwanag ang dalawang kaibigan ko.  Renz: "I'm sorry for what we did earlier. Don't worry hindi na namin gagawin iyon. Kaibigan kayo ni Pete e." Pete: "Oo nga pala, Selene, Ambia. These two are my friends and sorry for the way they acted towards you ealier. Pati na si Joseph." Ambia: "O-ok. Friends pala kayo ni Kuya e. I'm Ambia nga pala and this is Selene." Selene: "Sorry na rin sa nangyari sa damit ng isang kaibigan niyo kanina at sa nangyari sa kanya dahil kay Belle." Renz: "No need to worry. Buhay pa naman ang boss namin kaya walang problema." Xander: "Kung maririnig ka lang ni Joseph baka nasapak ka na noon." Renz: "Kaya nga malakas ang loob ko ngayon wala kasi siya e." Pete: "I will tell on you two to Joseph." Xander: "Bakit pati ako? Si Renz lang naman ah?!" Nagtawanan pa kami pero kahit ganoon naiisip ko pa rin si Belle. Di bale, babalik ako dito araw-araw at aagahan ko para makita ko siya. I just need to put an all-nighter for my work to finished.  End of PoV Belle's PoV : Nakakainis ang Therbie na iyon!? Bigla nalang naninigaw kapag itong lakad na ito hindi importante lagot siya sa akin. Nakapag-cutting pa tuloy ako at hindi man lang ako nakapag-paalam sa dalawa. Sigurado nag-aalala iyon kaso wala naman akong cellphone number nila to text them. Bukas nalang ako magpapaliwanag. Pinapa-tawag raw ako ni Boss dahil may new mission kami ni Therbie at may kasama pa raw kami. Sino naman kaya iyon? Isa sa mga top ten agents? Pero may mga kanya-kanyang mission ang mga iyon, iyong iba nga out of the country mission pa e. Mabilis akong nagmamaneho pero bigla akong nag-preno dahil sa bastos na  sasakyang huminto sa harapan ng kotse ko mismo. It's a blue bugatti veyron and then suddenly, four guys in a formal suit came from the car. Bumaba na rin ako para ipakita ang manners ko.  Guy1: "Are you the one who's called by the name Princess Trigger?" Belle: "I am not oblige to tell you that. Move aside." Guy2: "Answer our question, miss or else you will be dead." Belle: (Smirk) "Make me." Una silang sumugod, ang unang lalaki ang nakalapit sa akin at akmang susuntukin ako pero nailagan ko siya at ako ang nakasuntok sa abdomen niya, kasunod ang isang lalaki na hinampas ko sa batok dahilan para mawalan ito ng malay. Maliit na movements lang ang ginagawa ko at pinupuntirya ko lang ang vital organs nila para tulog agad. In just a minute, four guys were already on the floor, unconscious. Belle: "Tss. Boring." Sumakay na ako sa aking Mclaren F1, at iniwan ang mga lalaking iyon na mahihina naman pala. Pero sino ang nagpadala sa mga iyon at kilala nila ako. I assume na tauhan iyon ng mga taong naging misyon ko na noon pa. Papa-imbestigahan ko nga ito sa mga sub-agents. Agad na rin akong nakarating sa HQ ng BDA at dumiretso sa Office ni Boss. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at sa sofa ay prenteng nakaupo si Therbie. Therbie: "Hi, Trigger." Belle: "You shouted on the phone." Therbie: "Sorry po, ma'am." Tinitigan ko siya ng masama kaya nanahimik na rin siya. Pumunta ako sa harap ni Boss at nagbigay ng salute. Boss: "Trigger, JT, I believe you know that you have a mission, right?" Belle: "Yes, boss. I heard it from this man." Therbie: "I have a name you know." Belle: "Whatever." Boss: "You have a mission but I won't tell you yet. We'll wait for the other two na makakasama niyo. For now, do what you want to do." Pagkatapos sabihin ni Boss iyon ay lumabas na muna ako ng office at dumiretso sa Training center ng BDA. Alam kong sinundan ako ni Therbie. I guess I'm gonna train for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD