Nicole's POV
Halos dalawang oras ang inabot namin sa biyahe bago nakarating sa bahay. Medyo malayo ang Santa Rosa sa Alabang Hills kung saan kami nakatira, lalo na’t naabutan pa kami ng malakas na ulan kaya matrapik.
Kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng kotse. Kinakabahan ako dahil alam kong siguradong mapapagalitan ako ni Uncle Art pagdating ko.
Gusto sanang magpaliwanag ni Enzo kay Uncle nang bumaba kami, pero pinigilan ko siya. Alam kong mas lalong magagalit si Uncle kapag nakita niyang may kasama akong lalaki.
Tahimik ang buong mansyon pagdating ko. Mabuti na lang at wala si Uncle Art sa sala, kaya mabilis akong dumiretso sa kwarto ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang maisara ko ang pinto. Dali-dali akong nag-shower at nagpalit ng pantulog. Hindi na ako bumaba para mag-hapunan dahil busog pa ako sa kinain namin ni Enzo sa EK. Pinatuyo ko ang buhok ko, naglagay ng night cream, at saka humiga.
Hindi ko mapigilang isipin ang nangyari kanina sa Ferris wheel... muntik na akong mahalikan ni Enzo.
Para maalis ang isip ko roon, binuksan ko ang social media ko. Habang nag-i-scroll sa i********:, nakita ko ang bagong post ni Enzo. Ang username niya ay ‘Enzo_the_Pogi’ at may mahigit isang milyong followers siya, na karamihan ay mga babae.
Ang caption niya: “Happiest day because I know you’re happy. I’ll wait for the day you say YES to me, my Babe.”
Ang litrato ay kuha ko habang nakatingin sa sunset sa loob ng Ferris wheel. Side view ako at medyo malabo ang mukha para hindi masyadong halata, pero alam ng mga malalapit sa amin na ako iyon. Agad na nag-comment si Beatrice: “Aww, I know that girl! You two... oyyy, I’m so kilig!”
Sunod-sunod ang mga comment. Ang ibang babae ay puro cry at angry emojis ang iniwan, habang ang mga kaibigan naman ni Enzo ay panay ang kantiyaw at pag-congratulate sa kanya. Napuno ng asaran ang comment box niya, kaya natawa na lang ako bago nag-log out para subukang matulog. Mabuti na lang at hindi ako hinarang ni Uncle kanina.
Ngunit magdadalawang oras na akong paikot-ikot sa kama at hindi pa rin dalawin ng antok. Pakiramdam ko ay may gusto akong gawin. Na-realize kong baka nagugutom lang ako, kaya nagpasya akong bumaba para maghanap ng makakain sa kusina.
Tahimik ang paligid at tanging ang dim light lang ang nakabukas. Nagtimpla ako ng gatas at gumawa ng sandwich. Pagkatapos kong kumain, dinala ko ang baso sa lababo para hugasan.
Ngunit nabitawan ko ang hawak nang makaramdam ako ng isang matangkad na bulto sa likuran ko. Sisigaw na sana ako sa gulat, pero mabilis na tinakpan ng malaki niyang palad ang bibig ko.
“Saan ka galing?” bulong ni Uncle Art.
Amoy alak siya, pero halo pa rin doon ang mabango niyang pabango. Nanayo ang balahibo ko nang dumampi ang mga labi niya sa leeg ko habang bumubulong. Inalis niya ang kamay niya sa bibig ko at marahas akong ipinihit paharap sa kanya. “Sagutin mo ako, young lady. Sino ang kasama mo?”
Napakalapit ng mukha niya. Ang puso ko ay nagwawala sa bilis ng t***k. Bakit ganito ang epekto niya sa akin? Samantalang kay Enzo ay kalmado lang ako.
“A-Ah... nag-group study lang po kami ni Beatrice,” pautal-utal kong pagsisinungaling. Hindi ako makahinga nang maayos dahil pinipigilan kong mabugahan siya ng hangin; naiilang ako dahil amoy sandwich ang bibig ko.
“Talaga?” Isang mapanganib na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. “Kailan ka pa natutong magsinungaling, baby girl?”
Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya, halos maduling na ako sa sobrang lapit. Ikinulong niya ako sa gilid ng lababo kaya wala akong matakbuhan. “At gusto mo bang ibigay ang first kiss mo sa kanya?”
Nandilat ang mga mata ko. Paano niya nalaman?
“I don’t think so, baby girl.”
Pagkasabi niya niyon, naramdaman ko ang paglapat ng malalambot niyang labi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, pero lalo akong nabigla nang higpitan niya ang paghalik—dahan-dahan ngunit mapag-angkin.
Inabot ng ilang minuto ang halik na iyon bago niya ako pinakawalan. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko habang kapwa kami habol ang hininga. Hindi ko alam ang dapat kong reaksyon.
“This is a kiss,” bulong niya habang hinahaplos ang labi ko gamit ang kanyang hinlalaki. “I’m the only one who can kiss you. Understand, baby girl?”
Tango lang ang naisagot ko. Pagkatapos niyon, umakyat siya sa hagdan na parang walang nangyari. Napahawak ako sa sarili kong labi. Bakit niya ako hinalikan? At paano niya nalaman ang tungkol kay Enzo?
Isang malakas na katok ang gumising sa akin kinabukasan. Alas-syete y medya na pala! “Yes, Yaya! Gising na po!” sigaw ko at nagmadaling nag-ayos para pumasok.
Nadatnan ko si Uncle sa dining table na kumakain habang nagbabasa ng tablet. Nilapitan ko siya para magpaalam na aalis na, pero pinigilan niya ako gamit ang malamig na tingin. “Eat first.”
“Pero, Uncle, male-late na po ako.”
“EAT.”
Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Umupo ako sa tapat niya at kumain nang mabilis. Walang kibuan sa pagitan naming dalawa hanggang sa matapos siyang kumain at punasan ang bibig niya.
“Bakit ka na-late ng gising?” nakakunot-noo na tanong niya.
Kasalanan mo kung bakit ako tinanghali! Gusto ko iyong isigaw sa mukha niya, pero pinigilan ko ang sarili ko. “Nag-review po kasi ako kagabi,” pagsisinungaling ko.
Tumango lang siya. Paglabas ko ng gate, bigla niyang binuksan ang pinto ng kotse niya. “Wait, Angela. Hatid na kita, papunta na rin naman ako sa office.”
Bumuntong-hininga na lang ako at sumakay. Sa buong biyahe, nakatingin lang ako sa bintana, ayaw kong lumingon sa gawi niya.
“Baka magka-stiff neck ka niyan,” biro niya. Tiningnan ko siya nang bahagya bago muling ibinalik ang tingin sa labas.
“About last night... I’m sorry. Lasing lang ako,” basag niya sa katahimikan. “Please, kalimutan mo na ang nagawa ko. Hindi dapat nangyari ‘yon, mali ‘yon. Impluwensya lang ng alak kaya ko nagawa ‘yon.”
Sumikip ang dibdib ko sa narinig. “Kalimutan niyo na po ‘yon... hindi ko na nga po iniisip, pinaalala niyo pa,” sagot ko habang nananatiling nasa kalsada ang paningin ko.
Hindi na kami muling nag-usap hanggang makarating sa university.
Lumipas ang mga linggo at naging bihira na kaming magkita ni Uncle. Hindi na kami nakakapag-breakfast nang sabay, at mas mabuti na rin iyon para sa akin. Simula noong gabing hinalikan niya ako, umiwas na rin akong magkrus ang landas namin. Naging busy na rin siya sa trabaho at madalas ay hindi na siya umuuwi sa mansyon.
Lumipas ang mga linggo hanggang sa maging buwan. Mahigit isang buwan na ang nakalipas at dalawang beses ko lang siyang nakita. Kahit ang fiancée niyang si Anicka ay bihira ko na ring makasalubong.
Next week na ang ika-18 kaarawan ko. Masaya ako dahil legal age na ako, pero malungkot din dahil alam kong malapit na akong umalis sa mansyong ito na itinuring ko nang pangalawang tahanan.
Kasabay ng pag-asikaso ni Miss Anicka sa debut ko ay ang pag-asikaso rin niya sa nalalapit nilang kasal ni Uncle. Alam ko ito dahil madalas ko silang marinig na nag-uusap ng party organizer ko, na siya ring wedding coordinator nila.
May kaunting kirot pa rin sa puso ko sa tuwing naiisip kong ikakasal na si Uncle Art. Pero sa kabilang banda, naging magaan na rin ang loob ko kay Miss Anicka. Mabait naman pala siya, sadyang maarte lang talaga sa pananalita. Nalaman ko ring hindi niya alam ang tunay na kwento ng buhay ko kaya niya ako sinusungitan noon. Nang malaman niya ang tungkol sa trahedya ng mga magulang ko, bigla na lang niya akong niyakap at naging mabait na siya sa akin.
Kaya ngayon, "Ate" na ang tawag ko sa kanya dahil ayaw niya ng "Tita"—nakakatanda raw masyado. Sa edad na 25, at si Uncle na 33, bagay na bagay naman talaga sila. Masaya na rin ako para sa kanilang dalawa... kahit na may kaunting sakit pa rin.